Gerald Anderson settles "simple misunderstanding" with girlfriend Bea Alonzo

IMAGE Mark Atienza

Naayos na raw ang simpleng hindi pagkakaintindihan ng magkasintahang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Magkasama ang dalawa ngayon sa bakasyon sa London. 


Binigyang linaw ni Gerald Anderson ang balitang hiwalay na diumano sila ng girlfriend na si Bea Alonzo.

Ayon sa Kapamilya actor, isa lang itong maliit na hindi pagkakaintindihan, base sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong Biyernes, April 6.

Pahayag ng 29-year-old actor, “It was a simple misunderstanding.

"Naayos po namin personally, and yun po yung importante, to move on from this."

Noong kasagsagan ng promo ng pelikulang My Perfect You, kung saan katambal ni Gerald si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, biglang pumutok ang balitang in-unfollow ni Bea ang aktor at ang beauty queen sa Instagram. 

Binura rin ni Bea ang lahat ng kanilang larawan ni Gerald na naka-post sa kanyang personal Instagram account.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram

Ngunit kamakailan lang ay muling finollow ni Bea si Gerald sa Instagram.

Magkasama rin ang dalawa sa bakasyon sa London. 


Stories We Are Tracking

Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?
Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?

DEFENDING PIA. Ang dahilan daw ng hidwaan nina Gerald at Bea ay ang pagkakamabutihan diumano ng aktor at ni Pia sa set ng pelikula.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Pia at ng nobyong si Marlon Stockinger.

Sabi naman ni Gerald tungkol dito, “It was a misunderstanding. Yun na yun.

"Ang importante, everything is good. Everything is good."

Dagdag pa niya, “very professional” ang beauty queen-actress habang ginagawa nila ang pelikula.

Depensa pa niya kay Pia, “Pia has been nothing but sobrang professional and sobrang sarap kasama.

“Sa first lead niya, first day pa lang, napabilib na ako sa kanya.

"We are just happy with the outcome.

"Sa personal life naman namin, okay na okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN