Ian Veneracion vouches for Bea Alonzo: "Napakabait na tao."

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Ian Veneracion vouches for leading lady Bea Alonzo's kindness as a friend and as a co-star.


Umaasa si Ian Veneracion na matigil na ang pamba-bash sa kanyang dating leading lady na si Bea Alonzo.

Sumikat ang tambalan nina Ian at Bea sa 2017 ABS-CBN prime time teleserye na A Love To Last.

Inuulan ngayon ng batikos si Bea mula sa netizens dahil sa pag-a-unfollow niya sa Instagram accounts ng boyfriend na si Gerald Anderson at sa leading lady nito sa My Perfect You na si Pia Wurtzbach.

Dahil dito, nabuo ang espekulasyong nag-break na sina Bea at Gerald, at may kinalaman dito si Pia.

Pero pagkalipas lamang ng ilang araw ay nag-follow ulit si Bea sa Instagram account ni Gerald.

Kaya may ilang netizens ang naghihinalang "promo" lang para sa pelikula nina Gerald at Pia ang pag-a-unfollow ni Bea sa kasintahan.

Binato ng iba't ibang akusasyon si Bea sa mga kaganapan:






Sa presscon para sa kanyang upcoming concert sa Cebu na IAN In 3 Acts ngayong Biyernes, April 6, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Ian sa isyung kinasasangkutan ni Bea.

“I have no idea, lalo na pagdating sa mga follow-unfollow, kasi hindi ako active online.

“Napaka-cave man ko pagdating diyan,” paiwas na sagot ng 43-anyos na aktor.

VOUCHING FOR BEA. Iwas man si Ian sa isyu, nagsalita siya tungkol sa pagiging mabuting tao at kaibigan ng kanyang dating leading lady.

Saad niya, “Pagdating sa issue that you’re asking, I’m not aware of anything, so it would be unfair to comment about it.

“Wala akong alam diyan kung bakit siya bina-bash.

"Pero sa akin, napakasarap katrabaho ni Bea, napakabait na tao.

“I hope hindi siya i-bash.”  

Diin pa ng aktor, “Si Bea and I are good friends.

“Nagkakausap kami and I’d like to think that we’re good friends.

"Kasi ako, I confide a lot of stuff, and siya rin ganun."

Gaganpin ang IAN In 3 Acts sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu, sa April 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN