Ian Veneracion seen in the company of GMA-7 executive: Is he leaving ABS-CBN?

IMAGE Noel Orsal

A photo of Ian Veneracion having dinner with a GMA-7 executive triggers the question: Is he transferring networks? Ian answers.


Itinanggi ng Kapamilya actor na si Ian Veneracion na lilipat siya ng ibang network.

Ito ay matapos ma-post ang larawan kung saan kasama niya ang isang GMA-7 executive.

Noong March 13, nag-post ang talent manager na si Perry Lansigan sa Instagram ng larawan ng dinner niya kasama si Ian at GMA-7 senior vice president for entertainment na si Ms. Lilybeth Rasonable.

Bunsod nito, nagkaroon ng mga espekulasyong baka lilipat sa Kapuso network ang 43-anyos na aktor.

Paglilinaw ni Ian, kapitbahay niya si Perry at nagkaroon lang sila ng dinner.

Wala raw itong ibang kahulugan.

“He’s my neighbor in a subdivision near Tagaytay, so yun lang yun, as a neighbor lang,” paliwanag ni Ian sa presscon para sa kanyang upcoming concert na Ian In 3 Acts nitong Biyernes, April 6.

Gaganapin ang concert sa Grand Pacific Ballroom sa Waterfront Hotel, Cebu sa April 21.

Wala siyang planong lumipat sa kabilang network?

“No. Lagot ka kay Tita Malou!” biro ni Ian, na ang tinutukoy ay si Malou Santos, ang chief operating officer ng Star Creatives.

Masaya raw siya sa Kapamilya network.

"I’m very happy with the roles that I’m getting. 

“For the past how many years, Pangako Sa ‘Yo [2015], A Love To Last [2017].

"And, di ba, sobrang full support... ABS-CBN has been very, very kind to me.”

Mayroon na nga raw siyang nakalinyang proyekto sa ABS-CBN.

“Meron kaming mga balak, movie for Star Cinema.”

Pero nakagawa rin naman si Ian ng ilang proyekto sa GMA-7: Encantadia (2005), Tinig (2006), Captain Barbell (2006), Joaquin Bordado (2008), Totoy Bato (2009), at I Heart You Pare (2010)

BUSY WITH MUSIC. Ayon kay Ian, abala siya ngayon para sa kanyang gaganaping concert at isinantabi muna niya ang acting.

Gusto raw kasi niyang maging handa para sa kanyang concert.

“Music talaga, because nga ayoko hilaw.

“If I’m gonna do this, I’m gonna do this right, and polished, yung finding the band members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And since it's all live music nga, siyempre kailangan namin i-polish yun, i-rehearse,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN