Anjo Yllana recalls boat accident with Richard Gomez, Aga Muhlach in Boracay

IMAGE Anjo Yllana Instagram

Actor-politician Anjo Yllana reveals why he does not consider Friday the 13th an unlucky day.


Friday the 13th ang second Friday ng April 2018.

Para sa mga naniniwala sa pamahiin, may hatid na bad luck ang naturang petsa.

Pero hindi ito pinaniwalaan ni Quezon City District V Councilor Anjo Yllana dahil hindi nito nakakalimutan ang sinabi ng kanyang yumaong manager na si Douglas Quijano, na kasama niya sa lumubog na bangka sa karagatan ng Boracay noong late '80s.

Ang unforgettable experience nila ng kanyang mga kasama ang ikinuwento ni Anjo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa karanasan ng grupo nina Bianca Manalo at Ehra Madrigal, na mga survivor din ng lumubog na speedboat sa karagatan ng Culasi, Antique noong Maundy Thursday, March 29.


Stories We Are Tracking

Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Bianca admits she almost lost hope while stranded at sea
Bianca admits she almost lost hope while stranded at sea

Hindi nakakalimutan ni Anjo na Friday the 13th nang mangyari ang paglubog ng bangka na sinasakyan nila nina Douglas, Richard Gomez, Aga Muhlach, at ibang mga kasamahan nila.

Tandang-tanda ni Anjo na 13 silang pasahero ng bangka, na may pangalan na Friday, na sinakyan nila papunta sa Friday’s beach resort.

Lahad ng actor-politician sa pep.PH (Philippine Entertainment Portal), "Pagdating namin doon, Friday the 13th pala.

"'Tapos, trese kaming lahat.

"Nagka-trauma ako sa water kasi hindi ako marunong lumangoy.

"Walang life vest... pagbaligtad ng bangka, yung mga life vest, nasa ilalim na rin ng ng tubig.

"Yung magagaling lang lumangoy, tulad ni Goma [Richard], ang lumangoy, pero ako kapit-kapit lang.

"Halos isang oras kami sa tubig.

"Ang mga nag-rescue sa amin, mga coastguard.

"May nag-report, nadaanan kami after twenty minutes ng paglubog ng bangka."

TRAUMATIC EXPERIENCE. Dahil dito ay nagkaroon ng matinding phobia si Anjo sa karagatan.

Ayon kay Anjo, "Ang takot ko noon sa tubig, kaya kapag nakasakay ako sa eroplano at may nakikita ako na tubig sa bintana, naka-life vest na agad ako.

"Mga five years na ganoon, tuluy-tuloy.

"Eventually, nakasanayan ko rin.

"Hindi rin ako nagpupunta sa beach, hindi naman ako beach person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sama lang ako nang sama noon, pero kapag may pinupuntahan ako na lugar na may mga dagat, nagsusuot ako ng life vest, kasi na-experience ko na."

Patuloy niya, "Ang problema kasi, kapag tumirik ang bangka at malakas ang alon, tataob siya.

"Kapag umaandar ang bangka, hindi siya tataob. 

"E, yung bangka na sinakyan namin, tumigil ang makina, tumirik.

"Noong una, patawa-tawa lang kami, kasi nga tumaob yung bangka.

"Pero maya-maya, nasa bandang tiyan na namin ang tubig.

"Nung hanggang dibdib na yung tubig, kinabahan na kami.

"Nung bandang leeg na yung tubig, tinitingnan na namin yung island, ang layo, e.

"Nasa laot kami, e. Noong panahon na yun, wala pa yung malapit na daan papunta sa Boracay.

"Nagdasal na kami."

Kuwento pa ng Eat Bulaga! mainstay, "Si Richard, lumalangoy, hinahanap yung camera niya. Isang karton ng camera ang dala-dala niya.

"Si Aga, hindi ko matandaan, pero alam ko, marunong siya na lumangoy.

"Dahil trese kami, ang natatandaan ko na nakakapit sa likod ko, si Babette Villaruel," pagtukoy niya sa movie reporter na pumanaw noong 1991.

"Nung nakakapit siya sa likod ko, hindi siya nagsasalita. Tahimik lang siya.

"Kilala naman natin si Babette, masayahin na tao. Patawa nang patawa. Joke nang joke.

"Pero nung na-save na kami, never siya na nag-joke. Para siyang tulala.

"After nung incident na yun, inatake siya sa puso.

"Si Dougs, nakakapit sa katig [ng bangka], ayaw bitawan yung katig."

FRIDAY THE 13TH. Hindi raw makakalimutan ni Anjo ang sinasabi sa kanya ni Douglas tungkol sa Friday the 13th.


Douglas Quijano

"Sabi ko sa kanya, 'Dougs, malas pala yung Friday the 13th.'

"Ang sabi niya sa akin, ‘Hindi. Suwerte yung Friday the 13th, kasi walang namatay sa atin.

"'Nawala man yung mga gamit, materyal lang ‘yan. Kinabukasan, puwedeng ipakuha ulit.

"'Pero yung buhay ng tao, walang nalunod sa atin, kaya suwerte ang Friday the 13th. Yun ang isipin mo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kapag Friday the 13th, hindi ko iniisip na malas," pahayag ni Anjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN