Robin Padilla lauds courage of injured stunt double

IMAGE Noel Orsal

On his Instagram, Robin Padilla commended the courage of his stunt double who was involved in an accident while shooting for the ABS-CBN teleserye Sana Dalawa Ang Puso Ko: "Tunay na napakahirap ng buhay ng stuntman. Sila na nasaktan, sila pa ang humingi ng dispensa sa naganap."


Isang video footage ng naaksidenteng stuntman ang pinost ni Robin Padilla sa kanyang Instagram wall.

Ipinost ni Robin ang isang video na kuha mula sa isang action scene sa ginagawa nilang Kapamilya seryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Dahil dito, nagpahayag ng kanilang messages of concern ang fans at followers ng Kapamilya actor.

Mapapanood sa video ang isang stuntman na naka-all-black outfit at nakasuot ng bonnet.

Ayon sa post ni Robin, ang stuntman na si Glen ay gumaganap sa serye bilang stunt double niya.

Magta-tumbling sana ang stuntman mula sa isang crate pero hindi nito natantya ang paghawak sa gilid kaya dire-diretso itong bumagsak at lumagapak ang ulo niya sa semento.

Sa caption ni Robin sa video, sinabi nitong pumutok ang noo ng stuntman at kinailangang dalhin sa ospital matapos nitong mabigyan ng first aid.

Ani Robin sa kanyang caption, “Ito ang hindi inaasahan na sakuna sa loob ng mga action scene sa aming teleseryeng sana dalawa ang puso. Nasaktan si stuntmen glen sa pagganap nya bilang Leo.

“Lumagapak ang kanyang ulo sa semento kaya kagyat sumigaw ang Medic ang cameraman na sina mark at bingbong dahil sumirit ang dugo sa noo nya kayat dali daling inasikasong mabuti ng medical officer ang stuntman mabuti at kumpleto ang emergency services ng abs cbn sa set kaya naitakbo siya sa hospital upang maisagawa ang mga test sa kanyang injury.”

Ayon pa kay Robin, humingi pa raw ng paumanhin ang stuntman kahit nasaktan ito.

Sabi niya, “Tunay na napakahirap ng buhay ng stuntman. Sila na nasaktan, sila pa ang humingi ng dispensa sa naganap.”

Nagpahayag naman ng kanilang malasakit at pag-aalala ang mga followers ni Robin.

@junahcadavez, “Dios ko po. Sana ok lang sya.”
@richiepadilla, “Get well soon po”.
@sieytieychwhy, “Sana worth it lahat ng pagod at hirap nila sa huli.”
@annielangduck, “ohhh! Get well soon Mr. Stuntman, Take care @robinhoodpadilla”
@lizaperena, “Nawa e maging maayois ang kalagayan nya agad.”
@rubypadrones, “GET WELL SOON PO.  Hirap naman…ang tinatawag na TRABAHO..buhay mo talaga e.  Ingat po.  Lalo ka na po sir ROBIN.”
@sol.leynes, “Ganyan talaga trabaho kailangan mo isakirpisyo ang iyong sarili alang-alang sa iyong pamilya.  Ibayong pagi-ingatat dasal lang ang tanging kailangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN'S ACCIDENTS. Maraming pagkakataong naaaksidente ang mga stuntmen sa shooting o taping, at hindi ito bago kay Robin na nasunog ang braso habang ginagawa niya ang pelikulang Miss Na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum nong 1992.

Taong 2008 naman noong malaglag sa sinasakyang motorsiklo si Robin habang nagsu-shooting siya para sa Kapuso serye niyang Joaquin Bordado.

May ilan pang pagkakataon kunsaan nalagay sa peligro ang buhay ni Robin habang nagte-taping ito o nagsu-shooting para sa kanyang pelikula, kaya naman nakaka-relate ito sa nasabing aksidente ng stuntman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN