Lovely Abella had always dreamt of being an FHM cover girl

IMAGE FHM Philippines on Instagram

Comedienne Lovely Abella had always envisioned herself as an FHM cover girl: "Before pa, kapag nagpapa-train ako, palagi kong sinasabi sa trainer ko na, 'Coach, kasi mag-e-FHM ako.'


Isang katuparan ng pangarap para kay Lovely Abella ang maging cover girl ng FHM Philippines magazine.

Cover girl ng April 2018 issue ng FHM Philippines ang dating dancer ng Wowowin at ngayon ay kilala na bilang isa sa mga sexy comediennes ng Kapuso network.

“Pangarap ko talaga ang mag-FHM,” pag-amin ni Lovely sa ginanap na pocket presscon niya sa Pamana Restaurant noong April 5.

Ayon pa kay Lovely, naging motivation daw niya ang FHM sa pagpapaseksi.

Lahad niya, “Before pa, kapag nagpapa-train ako, palagi kong sinasabi sa trainer ko na, 'Coach, kasi mag-e-FHM ako.'

“Pinag-iisipan ko pa nga kasi baka kung ano ang sabihin ng anak ko, e.

“Pero ang totoo, hindi. Wala po talagang offer.

“Kumbaga, yun lang talaga ang nagmu-motivate sa akin.

“Kapag sinabi kong mag-e-FHM ako, kailangan kong ma-push para maging sexy ako.

“So ito, talagang gustung-gusto kong mangyari sa akin.”

INDECENT PROPOSALS. Natawa si Lovely nang tanungin ito kung handa ba siya sakaling may mag-alok sa kanya ng indecent proposal.

Kadalasan daw kasi sa mga nagiging FHM cover girls, may mga ganitong natatanggap na proposal.

“Hindi ko nga po alam, e.

“Gusto ko nga po sanang may mag-offer sa akin ng ganun, pero wala po talaga,” natawang sabi niya.

“Yung kahit may mag-message lang sa akin kapalit nitong house. Pero wala talaga, e.”

Kung may mag-offer nga sa kanya?

“Kung meron po, pag-iisipan ko po,” birong sagot naman niya.

At saka niya sinabing, “Yung indecent proposal po, hindi po yun ang nilu-look forward ko.

“Kasi alam ko na dahil sa trabaho ko, magkakaroon ako kung ano ang gusto ko at dahil yun sa paghihirap ko.

“Hindi dahil sa proposal na binibigay sa akin.

“Alam ko na darating ang panahon, paunti-unti, magkakaroon ako ng bahay na gusto ko.

“Hindi yung bigay lang, yung pinaghirapan talaga.”

POSITIVE REACTIONS. Ayon kay Lovely, hindi raw naging isyu sa boyfriend niyang si Benj Manalo ang pagiging FHM cover girl niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napa-wow pa raw ito nang makita na ang kinalabasan.

Ganun din ang reaksyon ng kanyang anak na babae.

Kuwento niya, “Actually, noong pina-approve sa akin ng FHM, sinabi ko, 'Halika anak, mag-usap tayo.'

“Kasi ang gusto niya sanang mangyari, 'Sige Mommy, payag ako, pero yung katulad lang ng Bubble Gang.

“Pero nung pinakita ko na sa kanya, ‘Nak, ang ganda naman, di ba? Ang sosyal-sosyal nga ‘nak, o! O, di ba, black and white? Hindi naman halata.

“Ibig sabihin po, inonti-onti ko siya para hindi rin naman siya ma-shock.

“Kahit yung mga pinu-post ko sa social media, hindi rin malala.

“Noong nakita naman niya, 'Wow Mommy, nice!' Ganun naman siya.”

Sampung taon na ang babaeng anak ni Lovely.

AIMING FOR VERSATILITY. Dahil nalilinya nga si Lovely ngayon sa pagiging sexy comedienne tulad sa Bubble Gang at Sunday PinaSaya, kung siya raw ang masusunod, gusto raw niyang makilala talaga bilang versatile star.

Saad niya, “Gusto kong makilala hindi lang bilang comedienne.

“Gusto kong makilala ko bilang versatile talaga. Gusto ko yung mga drama.

“Gusto ko yung maraming slash. Dancer/host/comedienne/sexy/actress.”

Natawang sabi niya rin, “Ang daming gusto! Dramatic/award!”

BIG AI-AI FAN. Kung may hinahangaan man daw siyang komedyante sa ngayon, ang kasama niya sa Sunday PinaSaya na si Ai-Ai delas Alas daw ito.

Pag-amin ni Lovely, “Sobrang hinahangaan ko talaga si Ms. Ai-Ai delas Alas.

“Nakita naman natin na komedyante siya, sexy pa rin siya.

“Kasi, nakakatrabaho ko siya, sobrang professional niya.

“Isa yun sa hinahangaan ko sa kanya, yung pagiging professional niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN