Jan Manual and non-showbiz fianceé finalizing wedding preps

IMAGE The 12Masters Photography

Kapuso comedian Jan Manual (left) and fianceé Jamey Santiago are in the thick of preparations for their upcoming wedding in June: "Busy kaming pareho sa preparations. As of now, nasa finalizations na kami. Of course, with the help of God, our families and friends, ang daming blessings na dumarating to fulfill our dream wedding."


Pinaghahandaan na ng Kapuso comedian at StarStruck 4 alumnus na si Jan Manual ang nalalapit na wedding nila ng kanyang fiancée na si Jamey Santiago.

Na-engage ang dalawa noong nakaraang October 17, 2017 at sa June 2018 na ang magiging church wedding nila.

“Yes. We’re getting married this June.

“God is faithful na kahit super-busy namin, He is making every way,” pahayag pa ni Jan nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook private messaging noong nakaraang April 4.

FINALIZING WEDDING DETAILS. Hands-on sina Jan at Jamey sa pakikipag-usap sa mga mag-aasikaso ng kanilang church wedding at wedding reception.

“Busy kaming pareho sa preparations. As of now, nasa finalizations na kami.

“Of course, with the help of God, our families and friends, ang daming blessings na dumarating to fulfill our dream wedding.

“Our wedding coordinator is Ms. Kim of Wishing Well, 12 Masters Photography na super-ganda ng prenup shots and Treehouse films na grabe ang support sa amin.

“Khristelle Tan will be designing my fiancée’s wedding gown.

“As for my wedding suit, pinag-iisipan ko pa kung sino ang gagawa.

“Napagsasabay namin ang maging busy sa ministry and wedding preparations, but we are enjoying ourselves.

“Masasabi ko na kapag naging faithful ka kay Lord, sa single life mo, magiging faithful din siya lalo sa married life mo. And we are a living witnesses of it! To God be the glory!” pagpapasalamat pa ni Jan.

PRENUP SHOOT. Pinost ni Jamey sa Instagram ang ilang pics mula sa kanilang prenup shoot.

Prenup photos are now uploaded. Kiligsss!!! ???? | Love is beautiful, magical, unique and life-changing. It isn't possession, it isn't codependency, it isn't jealousy, and it isn't neediness or clinginess. It's not meant to complete you but to complement you. If it's toxic, it isn't love. Love is not just finding a BETTER HALF but an EQUAL MATCH. -SW And finally saying hi to my equal match, Janhilly. Sharing to everyone our #prenup photos. ???? And of course, it feels so good to be working with these POWER TEAM/SUPPLIERS: Coordination: Wishing Well / @kathrynkimtorres HMUA: Azil Ocampo Photography: The 12Masters Photography (@12mastersphotography) Venue & Style: Riverbank Fun Park & Garden Resort / @eunicehardy & Paul D. Q. Eguia Gown: Khristelle Tan Bridal Couture / @khristelle_tan Couple shirt: American Blvd #12M #12Masters #janmanual #jameysantiago #starstruck #kapuso #gma7 #bubblegang #americanboulevard #weddingsph #celebritycouple #engagement #prenup #wishingwellevents #azilocampo #TheGodWrittenManuals

A post shared by Jamey Keeneth Santiago (@jameysantiago_) on


WEDDING AND RECEPTION VENUE. Sa farm resort at events venue na Estancia de Lorenzo sa San Mateo, Rizal gaganapin ang wedding at reception nila Jan at Jamey.

“Our wedding will be held at Estancia de Lorenzo at San Mateo Rizal, na isang super-relaxing place.

“Dapat sa Alabang talaga ang venue namin, kaya lang we considered yung convenience ng mga guests namin, lalo na ang mga katrabaho ko sa GMA-7 at churchmates namin sa Lifegiver Church in Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Estancia de Lorenzo na din gaganapin both ang wedding ceremony at wedding reception namin, since Christian wedding kami.

“At lalong mas exciting dahil ang magkakasal sa amin ay ang daddy ng fiancèe ko na isang bishop/pastor din,” pagmamalaki niya.

HONEYMOON DESTINATION. Naplano na rin ng dalawa ang magiging honeymoon nila after the wedding.

“Our original plan was to have our honeymoon in Japan. Japan is our dream country.

“But the month of June kasi, summer doon, so we decided to move it on another date para medyo winter naman.

“Instead, we want to explore the beautiful beaches dito sa bansa natin.

“Mag-beach hopping kami para iba naman,” diin pa niya.

SHOWBIZ CAREER. Mainstay pa rin ng long-running gag show na Bubble Gang si Jan.

Two years na rin siyang hindi gumagawa ng teleserye. Huli siyang napanood sa That’s My Amboy noong 2016 pa.

“Okey lang na hindi tayo masyadong busy sa TV ngayon.

“Naka-focus tayo sa church service at sa preparations ng wedding.

“Kaya okey lang. Hindi naman tayo pababayaan ni Lord,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN