Anne Curtis not pressured to get pregnant: "Hindi siya something na dapat pinag-uusapan."

IMAGE Noel Orsal

Anne Curtis on getting pregnant: "Darating 'yan, mas nakaka-pressure siguro pag tinatanong."


Iginiit ni Anne Curtis na hindi niya pini-pressure ang sariling magbuntis na.

Ito ay sa kabila ng karamihan sa mga kaibigan niya na miyembro ng It Girls—kabilang na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson, at Liz Uy—ay may mga anak na.

Ikinasal si Anne at ang mister niyang si Erwan Heussaff sa New Zealand noong November 12, 2017.

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, “Darating ‘yan, mas nakaka-pressure siguro pag tinatanong.

"Sa ngayon, hindi pa, pero if God gives it at the right time, isa siyang blessing, hindi ba?

"Pero hindi naman nape-pressure."

Hindi rin daw binibigyan ni Anne ang sarili ng timeline kung kailan siya magbubuntis.

"Wala, I don’t think that something you should put a timeline to, or else, you will pressure your body.

"Hindi siya something na dapat pinag-uusapan, kasi baka ma-jinx or whatever."

Wala rin daw siyang gender preference.

"Girl or boy, kahit ano basta healthy," sabi ni Anne.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Anne sa Ravelo Komiks Superheroes mobile app launch, na ginanap noong April 4, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.    

BUSINESS VENTURES. Bukod sa kanyang showbiz career ay pinasok na rin ni Anne ang negosyo.

Mayroon siyang pag-aaring KTV bar, kung saan kasosyo niya ang It's Showtime co-host niyang si Karylle.

Mayroon na rin siyang sariling beauty line, ang blk Cosmetics.

Ngayon naman ay ang Xeleb application development.

Ang pagnenegosyo ba ni Anne ay preparasyon para sa pagkakaroon ng anak sa hinaharap?

Tugon ng 33-year-old celebrity, “Yes, siyempre kasama lahat 'yan.

"You have to prepare para, di ba, when you decide to become a mom or have a family, hindi ka lang mentally stable, you’re also financially stable, kasama ‘yan lahat.

"I think it comes with age na rin.

"Instead of buying new shoes, clothes, whatever, iniisip mo, 'Saan ko puwedeng i-invest?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, I’ll be able to inspires others also na huwag matakot to join different businesses, di ba?

"It’s also good to influence, kasi yung mga fans ko, kasabay ko na ring tumanda ang mga ‘yan.

"Okay, aside from fashion-fashion side na mga ano ko, it’s also time for all of us, lahat ng followers ko, we start also taking life seriously and start investing in businesses."

Hindi raw isyu sa kanila ni Erwan ang kakulangan ng oras sa kabila ng dami ng pinagkakaabalahan nila.

Ayon kay Anne, “Oo naman, siyempre magkasama na kami sa iisang bahay ngayon, so may time talaga for one another.  

"But if ever, that is one thing Erwan and I are really good at, our time management.

"I think, when you truly love someone, no matter how busy you are, if there’s trust there, love’s there, it’s not an issue."

Pinagluluto rin ba niya si Erwan, na isang chef?

Sabi ni Anne, "Nag-i-start na, pero siyempre mas magaling pala talaga siyang magluto kaysa sa akin.

"Pero nakakakilig pag naa-appreciate niya yung mga niluluto ko para sa kanya.

"Again, another new adventure being a new wife, lagi siyang may pinapa-try sa akin, 'Can you cook Thai tonight?'

"Ita-try ko naman, masarap naman daw.

"Learning, masaya."

HOLY WEEK. Noong nakaraang Holy Week ay nagbakasyon si Anne sa Australia kasama ang kanyang buong pamilya.

Pero naiwan sa Pilipinas ang mister niyang si Erwan Heussaff.

Paliwanag ni Anne tungkol dito, "Yes, sadya talaga yun 'coz he is opening his new studio/office niya."

Bago nagbakasyon sa Australia ay nagpunta muna sa Japan si Anne para sa shooting naman ng pelikulang pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes, ang Sid and Aya (Not A Love Story).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN