Julie Anne San Jose hopes to find time to celebrate Benjamin Alves's birthday

IMAGE Arniel Serato

Umaasa si Julie Anne San Jose na magkita sila ni Benjamin Alves upang makapag-celebrate silang magkasama ng birthday ng kanyang rumored boyfriend.


Noong Black Saturday, March 31, ipinagdiwang ng Kapuso actor na si Benjamin Alves ang kanyang ika-29 kaarawan.

Pero ayon kay Julie Anne San Jose, hindi sila nakapag-celebrate together ng rumored boyfriend dahil pareho raw silang busy.

Pahayag ng Kapuso singer-actress, “We didn’t get to celebrate, I mean, I don’t get to celebrate his birthday.

“Medyo busy po kasi siya sa movie. So, buong Holy Week, nagwu-work po siya.

“Ako din po, nagwu-work din, I am working din.

"'Tapos, malapit na din po kasi yung My Guitar Princess."

Ang My Guitar Princess ang bagong teleserye na pagbibidahan ni Julie Anne sa GMA-7.

Dagdag pa niya, “Hindi pa po kami ulit nagkikita. I hope we find time.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa media conference ng 3 Stars, 1 Heart noong Huwebes, April 5.

Gaganapin ang nasabing concert sa CSI Stadia sa Dagupan sa April 14.

Makakasama ng Asia's Pop Sweethear na si Julie Anne ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN