Ian Veneracion reveals reason why he does not mix work with romance

IMAGE Noel Orsal

Ian Veneracion on maintaining professionalism with his leading ladies: "Kung lalagyan mo ng landian, I mean, that's awkward."


Ipinagmamalaki ni Ian Veneracion na kailanman ay wala siyang pinormahan o niligawan sa mga naging leading lady niya.

Ito raw ang dahilan kaya hindi siya na-link sa mga nakapareha niya, bukod pa sa katotohanang isa na siyang pamilyadong tao.

Nakatrabaho ni Ian si Jodi Sta. Maria sa pelikulang The Achy Breaky Hearts (2016) ng Star Cinema.

Sa teleserye naman ay nakapareha niya si Bea Alonzo sa A Love To Last (2017) ng ABS-CBN.

Pahayag ng 43-year-old Kapamilya actor, “I’m proud to say, I’ve never been linked to any of my leading ladies because I’m very professional.

“You know, ganun kami sa trabaho. Kami nina Jodi, nina Bea.

"And sa amin, trabaho, trabaho talaga."

Napag-usapan ang tungkol sa buhay-leading man ni Ian sa media launch ng first major concert niya, ang Ian In 3 Acts, na gaganapin sa Waterfront Hotel, Cebu City, sa April 21.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ian matapos ang presscon proper na ginanap sa Mesa restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong April 6, sinabi nitong malaking bagay sa kanya ang professionalism.

“Well, ang turo sa akin ng dad ko na ‘your reputation is the best investment.’

“So, inaalagaan natin yun, siyempre ayaw nating matawag tayo na unprofessional. 

“Ayaw natin ng awkward moments when... dinidiskartehan mo yung katrabaho mo.

“Happy ako sa buhay ko, e.”

Twenty-two years old lang noon si Ian nang magpakasal sila ng misis niyang si Pam Gallardo noong 1994.

Mayroon silang tatlong anak: sina Draco, Deidre, at Duccio.

Hindi taga-showbiz ang misis ni Ian kaya tinanong namin siya kung ayaw niya ng karelasyong kasamahan sa trabaho.

Tugon niya, “Hindi. Kasi nga, I find it unprofessional pag katrabaho mo. 

“In any line of work, pag katrabaho mo at matagal kayong magkasama, ‘tapos didiskartehan mo, magbobolahan kayo, parang ang awkward naman nun.

“And usually, sa trabaho ko as an actor... kunwari kami nina Bea, nila Jodi, we have scenes na emotional, it becomes a friendship talaga, e. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kung lalagyan mo ng landian, I mean, that’s awkward.

“Kahit binata siguro ako, kahit crush na crush ko yung leading lady ko, aantayin kong matapos ang trabaho ko. 

“Sa labas ng trabaho, doon. Pero during work, hindi talaga.

“Kasi nga, I find it unprofessional.

“Magandang disiplina yun.”

IAN’S PASSION. Sa estado ngayon ni Ian, marami ang naniniwalang hindi ito nagtatrabaho para kumita kundi dahil sa passion nito sa pag-aartista.

Kahit hindi siya magtrabaho ay kaya nitong mabuhay nang marangya. 

Isang painting lang nito ang maibenta ay daan-daang libo o isang milyon na ang halaga.

Bukod pa rito ang pagkakaroon ng pamilya niya ng construction business. 

“Hindi naman sa ganun, e, I don’t live a high lifestyle naman, e,” paglilinaw ni Ian.

“What do I collect? Guitars.

“Of all the instruments, guitar is the cheapest. 

“How much is a grand piano compared to a guitar, di ba?

“So, masaya na ako na meron akong koleksiyon ng gitara."

Patuloy niya, “Pagdating sa sasakyan, motor ang sasakyan ko. Enjoy akong mag-motor. 

“Kasi hindi ko naman afford mag-collect ng sports cars. 

“And happy ako kung saan ako nakatira ngayon.

“I’d be happy na kung yun man ang bahay hanggang sa tumanda ako, I’m happy. 

“I don’t need a house in Forbes.

“Sa madaling sabi, low-maintenance ako. Wala akong bisyo.”

Awesome Christmas Coastal Ride!???????????? ????

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

Ayon pa kay Ian, “Siguro.. I don’t know if it’s age, pero in my twenties, I grabbed every opportunity of work.

“Pero now, parang I make sure kung gusto ko talaga itong ginagawa ko.

“Saka saan mo ilalagay yung oras mo, time and effort there?

“Kasi, there are so many things I wanna do.

“If I put my time into something na hindi ko naman masyadong gusto, it’s just a waste of time, and parang I’m taking away time to the things I love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN