Ian Veneracion discourages his children to join showbiz

IMAGE Ian Veneracion Instagram

Ian Veneracion on why he does not want his children to join showbiz: "Kasi, para magkaroon sila ng sariling adventure nila in a world na wala akong kinalaman, wala akong alam. Kunwari, pumasok sila sa industry na wala akong alam doon, you know, that's their own adventure."


Kung si Ian Veneracion ang masusunod, ayaw niyang pasukin ng kanyang mga anak ang mundo ng showbiz.

Tatlong ang anak ni Ian at ng misis niyang si Pam Gallardo: sina Draco, 19; Deidre, 17, at Duccio, 11. 

Marami ang nagsasabing puro artistahin ang mga anak ni Ian.

Yeah baby! The climb to Yosemite Upper Falls was soooo worth it! ?

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

Pero ayon sa 43-year-old matinee idol, “Sana, sana hindi sila mag-artista.

“Yun nga, naghu-hope ako na sana hindi sila mag-artista.

“Kasi, para magkaroon sila ng sariling adventure nila in a world na wala akong kinalaman, wala akong alam.

“Kunwari, pumasok sila sa industry na wala akong alam doon, you know, that’s their own adventure.”

Mayroon ba sa kanyang mga anak ang nagkakainteres pasukin ang showbiz?

“Wala... wala pa naman, buti naman,” nakingiti niyang sabi.

Inamin ni Ian na dini-discourage niya ang mga anak na pasukin din ang mundong ginagalawan niya.

“Alam mong ginagawa ko? Isinasama ko sila sa set para ma-bore sila at makita nila na antay ka lang pala nang antay sa set, yung ganyan.  

“Yun, gusto ko yun na nabu-bore sila para makita [nila] beyond magic of showbiz. It’s just work.”

Pero kung sakali raw pasukin ng mga anak niya ang pag-aartista ay hindi siya hahadlang.

Saad ni Ian, “Of course, they can be whoever they wanna be.

“Sa nakikita ko, at yung preference ko, sana tumahak sila nang sarili nila.”

Dagdag niya, “Yung A Love To Last, pinanood nila, pero normally hindi sila mahilig. 

“Epecially now, everything is online, hindi sila ma-TV.

“Yung alam ko, yung A Love To Last napanood nila. Yun, na-enjoy nila yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ian sa presscon ng first major concert niya, ang Ian In 3 Acts, sa Mesa restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong April 6.

Gaganapin naman ang concert niya sa Waterfront Hotel, Cebu City, sa April 21.

IAN’S WIFE. Kung paanong hindi visible sa publiko ang misis ni Ian na si Pam Gallardo, ganun din daw ito sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka hindi siya nag-e-exist online. Hindi siya nagtu-tweet. Hindi siya nagpi-Facebook,” sabi ng aktor tungkol sa asawa.

Patuloy niya, “She has her own world, sa trabaho niya.

“Just like I have my own world in showbiz. Siya, sa construction siya.

“She’s an engineer and she has her own thing, her own business.

“Yun nga, ang sarap din kasi ayaw ko siyang ihila sa showbiz, kasi nga she’s a private person.

“Ganun lang kami. Ganun lang kami as people.”

Ayon pa kay Ian, “Ako, kung hindi ako showbiz, wala akong reason to be online.

“Wala akong reason na mag-picture-picture. 

“Kasi kung hindi ako artista, I don’t see the sense na-bakit ako magsi-selfie. 

“Bakit ko ipapakita sa ‘yo na, eto, I’m having breakfast. I don’t get it really.

“Pero since I’m in showbiz, it’s part of it. I’m used to it.

“Pero may wife naman, e, she doesn’t need naman that for the job.

“She doesn’t want anything to do with it.”

Twenty-five years nang kasal sina Ian at Pam.

IAN, THE SINGER. Samantala, dahil sa kanyang propesyon bilang artista, handa na raw si Ian pumalaot sa pagiging isang singer-entertainer.

Ito ay kahit nakakaramdam siya ng kaba.

Paliwanag niya, “Iba ‘to kasi, it’s not something I’m used to it.

“Sa camera, I’m used to it, pero singing in front of so many people na live, it’s something I’m not used to it. 

“Pero, because I’m an actor, may mga strategies na ako on how to deal with it para hindi ka kabahan.

“You know, yung mental preparation as an actor, I think would work also sa stage.”

Tatanggapin daw ni Ian ang reaksiyon ng sinuman sa klase ng music na gusto niyang awitin at tugtugin sa kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Example, my genre, I mean, obviously it’s not for everyone.

“Wala namang genre na para sa lahat. 

“Honestly, I don’t enjoy rap so much. I’d rather listen to jazz, to blues, soul.

“It’s just preference. I cannot... kahit anong gawin ko, you know, I cannot possibly please everyone. It’s just not fair.

“Kung hindi nila type ang genre ko, that’s fine.

“At pag may mga nag-i-expect na birit kunwari ang nai-enjoy nila, ‘tapos makita nila hindi naman bumibirit si Ian, because that’s not me. 

“Pero hindi ko naman kayang i-please lahat. So, ini-expect ko na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN