Gerald Anderson barks at bashers of Bea Alonzo: "Siguraduhin niyo munang perfect kayo."

IMAGE Nerisa Almo

Gerald Anderson moves forward from negative issue hurled at him and rumored girlfriend Bea Alonzo, "Parang ang daming negative sa mundo so let's just focus on being positive, yun ang message ko para sa mga [basher]."


“Wow! Talaga?!”

Ito raw ang reaksiyon ni Gerald Anderson sa mga namba-bash ngayon sa kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

May ilan kasing pumuna sa Kapamilya actress kaugnay sa issue nang pag-unfollow at muling pag-follow niya sa aktor.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup

“Gusto ko lang sabihin sa mga bashers, sa nagdya-judge kay Bea, wow, talaga?!

"Siguraduhin n'yo munang perfect kayo bago kayo magsabi ng masama tungkol sa isang tao.

"Celebrity man o normal na tao, parang wala kayong karapatan at wala kayo sa sitwasyon."

Paiwas ang sagot ni Gerald nang hingin ang kanyang reaksiyon sa mga nagsasabing “promo” lang ang isyung pag-unfollow at diumano'y breakup nila ni Bea.

Gimmick lang daw iyon para sa pelikulang My Perfect You na pinagbibidahan nila ni Pia Wurtzbach.

Ani Gerald, “Ah, basta, nasagot ko na po 'yon, sana maintindihan niyo kasi hahaba pa.

“Let's just share positivity. Huwag na puro nega na tao.”


Stories We Are Tracking

Gerald Anderson reveals current state of his love life
Gerald Anderson reveals current state of his love life
Gerald unaffected by rumored relationship problem with Bea
Gerald unaffected by rumored relationship problem with Bea

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Gerald sa ginanap na Skechers Move in Style Fashion Show sa TriNoMa kahapon, April 8.

IS BEA WITH HIM IN LONDON? Samantala, kasunod ng isyung ito, nagkaroon naman ng hinuha ang fans nina Gerald at Bea na magkasama silang dalawa habang nagbabakasyon ang una sa London.

Sa isang Instagram story ni Gerald, maririnig ang pamilyar na boses ni Bea habang tumitingin ng mga kotse.

Sabi ng boses sa background, “Okay, I want to have this car because it has a 'B' in front, 'tapos ganyan pa yung color.”

Natawa lang si Gerald nang tanungin tungkol dito sabay sabi ng, “Secret... Basta okay pa ang lahat, okay pa rin.”


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?
Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?

Sa huli, tinanong si Gerald kung naging mas matibay ang samahan nila ni Bea matapos ang isyu.

Sagot niya, “Basta okay naman. Basta moving forward tayong lahat.

“Parang ang daming negative sa mundo so let's just focus on being positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang message ko para sa mga [basher].”


Stories We Are Tracking

Gerald and Bea settle
Gerald and Bea settle "simple misunderstanding"

@andersongeraldjr at #SkechersMoveinStyle fashion show.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN