Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson's son Thirdy tries hand at film directing

IMAGE Instagram

The young son of former couple Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson, Thirdy, may have the making of a film director as shown in the video uploaded by Iwa Moto.


Nagpakita ng gilas sa film direction si Thirdy Lacson, ang anak ng dating mag-asawang Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, sa isang video na ipinost ni Iwa Moto sa kanyang Instagram wall.

Si Iwa ang karelasyon ngayon ni Pampi.

Si Thirdy, 12, ang gumawa ng video bilang direktor, scriptwriter, at editor kung saan starring ang kanyang ama at si Iwa.

Naka-insert ang title sa video na “Girlfriend Massage.”

Makikita rito si Pampi na nakadapa sa kama habang nakaupo si Iwa sa kanyang likod at minamasahe siya.

Nakasaad sa caption na nilaro lang nila ang moment dahil bagot sila—@iam_iwa, “We got bored"—at may dugtong na hilarious emoticoni.

Ang sumusunod naman ang nakasaad sa credits ng video:

Director: Thirdy Lason.
Scriptwriter: Thirdy Lacson
Edited by: Thirdy Lacson
Cast: Aileen, Iwamoto and Pampi Lacson
Casualty @iampampi @tlacson29_.

VIDEO SEQUENCE: Sa umpisa ng video, mahinay pang minamasahe ni Iwa at pinagpagpagpag nito ang likod ni Pampi.

Nang hilahin na nito patalikod ang mga kamay ni Pampi, nag-slow motion na ang video. 

Mapapanood ang mabagal na sigaw ni Pampi na parang tinu-torture habang nasa expression naman ni Iwa na parang isang amazonang nagtagumpay na maigupo ang kalaban.

Hindi simpleng video ang mapapanood dahil nilapatan pa ito ng musika ni Thirdy na nakapag-set ng mood sa ginagawa ni Iwa.

Nabago ang sounds effects at music nang hilahin na ni Iwa ang mga braso ni Pampi patalikod at magkaroon nang reaction si Pampi at si Iwa.

At sa huling video ay nakasulat ang title na “RIP Daddy.”

KUDOS TO THIRDY. Sa murang edad ng bata at sa klase ng video na ginawa niya, makikitang may mata si Thirdy sa directing, music, sound effects, at editing.

Ilan sa followers ni Iwa ang naaliw at bumilib sa video:

@thetitaniumface, “nakakainis yung sound effects!”

@iam_iwa, “@titaniumface, galing ni bagets mag-edit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@juninay_go, “Tawa ko ng tawa langyaaaa @iam_iwa @iampampi_ todo acting si Brader.”

@iam_iwa,, “@juninay_go di acting yan. Totoo talaga. Hahahaha!”

@yselsison, “galing pati music”.

@ohmychrissie_, “nice concept myusik.”

@anneyoanne, “galing ni muy future director..good job!”

@meyrick08, “Dami ko tawa whahahaha!”

@myonly_hope, “Hahahaha! Super cute! Hahahaha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN