Mother of slain teen Raymart Siapo asks Netflix to stop airing of Amo

IMAGE Netflix / Facebook

OFW Luzviminda Siapo (right), mother of slain teen Raymart Siapo, has started a petition on change.org to ask Netflix to cancel the airing of Amo, a Filipino series starring Derek Ramsay (left) which tackles the government's war on drugs.


Nag-umpisa sa Netflix kahapon, April 9, ang airing ng Amo, ang miniseries tungkol sa war on drugs na project ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza.

Hindi bagong television miniseries ang Amo, na napanood sa TV5 noong August 2017.

Pero higit na nagkaroon ng ingay at naging kontrobersiyal ito nang ipalabas sa Netflix dahil nagpoprotesta ang mga kritiko ni President Rodrigo Duterte, na naniniwalang isang propaganda ang show ni Derek Ramsay para i-justify ang giyera laban sa droga ng Pangulo ng Pilipinas.

Si Luzviminda Siapo, ang OFW na ina ni Raymart Siapo, ang nagpadala ng sulat sa Netflix management at nag-umpisa ng petisyon sa change.org para ipahinto ang pagpapalabas ng Amo.

Nagtatrabaho sa Kuwait si Luzviminda, pero hindi na tinapos ang kontrata dahil umuwi siya ng Pilipinas nang malaman niya ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang 19-year-old son noong March 29, 2017.

HER PETITION. Sa kanyang petisyon ay inilahad ni Luzviminda ang sinapit ng kanyang anak.

"Inereport sa Barangay si Raymart dahil pinagbintangan siyang nagtitinda ng marijuana.

"Sunod na gabi, dinukot sya. Binalian pa ng kamay, at pinatakbo.

"Pero di siya nakatakbo dahil ang kanyang dalawang paa ay may kapansanan. 

"Binaril sa ulo ng dalawang beses ang 19 years old kong anak na si Raymart.

"Labing-apat na lalakeng nakamaskarang sakay ng pitong motor ang dumukot at pumatay sa anak ko."

Patuloy ni Luzviminda, "Isa ang anak ko sa libo-libong biktima ng kampanya sa droga ni President Duterte.

"Ngayong ipapalabas ang AMO, isang show tungkol sa war on drugs sa Pilipinas, ako po ay lubos na nababahala.

"Ayon sa kanyang direktor na si Brillante Mendoza, ang war on drugs ay kailangan ng Pilipinas at ng ibang bansang may problema sa droga.

"Nais ko pong manawagan na ikansela ang show na ito.

"Hindi war on drugs ang sagot sa problema sa droga.

"Para sa akin, hindi tama ang pagpatay. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magbago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pitong libo at limandaan (7,500) na pirma ang kailangan ni Siapo sa petisyon na ipinararating niya sa Netflix management.

Sa kasalukuyan, 5,555 na ang mga pumipirma sa petisyon ni Siapo na nakikiisa sa panawagan niyang itigil ang airing sa Netflix ng Amo.

Isang bagay na hindi nangyari nang ipalabas sa TV5 ang miniseries ni Derek, limang buwan matapos paslangin si Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN