Gretchen Barretto to basher of her good deeds: "You must be so MISERABLE IN LIFE..."

IMAGE Courtesy: @johnvalle20 on Instagram

Binuweltahan ni Gretchen Barretto ang isang netizen na kumuwestiyon sa pagpu-post niya ng mga mensahe ng pasasalamat sa mga taong napagbigyan niya ang mga kahilingan. 


Bago ang Easter Sunday noong April 1, nag-anunsiyo si Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account na may 15 kahilingan siyang pagbibigyan mula sa followers niya.

Ang hinihiling lamang niya sa mga sasali ay dapat reasonable daw ang kanilang requests sa kanya.

Ang ilan sa mga napagbigyan niyang mga request ay ang mga humiling ng wheelchairs, gatas, cooking wares, nebulizer, groceries for the Bacolod fire victims, round-trip ticket, free acne treatment, free 10-dialysis sessions, sidecar for mais vendor, at medicines. 

Ngunit may isang netizen na tila kinuwestiyon ang pagpu-post ni Gretchen sa mga tulong na kanyang naipamigay. 

Hindi na makikita ang naturang komento, ngunit mababasa pa rin ang sagot ng aktres sa basher.

Ayon sa 48-year-old actress, “Damn if you do & damn if you don’t!!!

"Yes, posting simply because it keeps us all aware of what the world needs now is love sweet love.

“I am doing this to let us all keep grounded & human!!!

"It all started on Instagram & so I’d like to be TRANSPARENT IN EVERY WAY POSSIBLE… God Bless your poor and negative heart!!!”

Dagdag pa niya, “You must be so MISERABLE IN LIFE THAT YOU CHOOSE TO BE NEGATIVE WHEN ALL ELSE SEEM TO BE JOYFUL.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN