Maine Mendoza tweets: "Please stop putting other people down."

IMAGE Noel Orsal

Maine Mendoza laments severe bashing online: "It's just crazy and sad how some people turn out to be unkind and cruel to others."


Makahulugan ang tweet ni Maine Mendoza nitong Lunes, April 9.

Pakiusap niya sa netizens, itigil ang pamba-bash.

Hindi na naitago ng host ng “Juan For All, All For Juan,” segment ng Eat Bulaga! ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagiging basher ng iba sa social media.

“It's just crazy and sad how some people turn out to be unkind and cruel to others,” simula ng tweet ng 23-year-old Kapuso star.

Pakiusap niya, itigil na ang pamba-bash.

Hindi raw kailangang batikusin ang mga taong hindi gusto.

“Can we please stop putting other people down?

“Support who you love; there is no need to degrade and belittle those you do not like/hate.”

Hindi tinukoy ni Maine kung para saan ang kanyang tweet, subalit nitong Biyernes, April 6, namataan si Maine kasama ang kaibigang Kapuso star na si Juancho Trivino at ilan pang non-showbiz friends sa concert ng American indie pop band na LANY, sa Araneta Coliseum.

Nagkaroon ng argumento sa pagitan ng ilang netizens, kung magkasama bang nanood ng concert sina Maine at Juancho.


Stories We Are Tracking

Maine spotted with GMA actor at 2018 LANY Manila concert
Maine spotted with GMA actor at 2018 LANY Manila concert
Maine, Jake Ejercito, celebs flock to LANY concert
Maine, Jake Ejercito, celebs flock to LANY concert

Argumento ng iba, nagkita lang sa labas ng venue ang dalawa, pero hindi magkasama sa loob.

May ilang netizens naman na nag-post ng picture na nagpapatunay na magkasama raw ang dalawa sa loob.

Dahil dito, may fans na nam-bash kay Juancho dahil nali-link sa kanya si Maine.

Naging magkaibigan sina Maine at Juancho, kasama si Sheena Halili, sa set ng 2017 GMA-7 teleserye, Destined To Be Yours.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN