Aiko Melendez on boyfriend Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun: "He's got my back."

IMAGE Courtesy: @aikomelendez on Instagram

Halatang masaya ang aktres na si Aiko Melendez sa piling ng kanyang bagong boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun. Sa post niya sa Instagram noong April 9, sinabi ng Bagani actress na meron na siyang tagapagtanggol sa ngayon. 


Makalipas ang halos dalawang linggo mula ng kanyang pag-amin sa relasyon nila ng alkalde ng Subic, Zambales, nag-post na sa Instagram ang aktres na si Aiko Melendez ng larawan nilang dalawa ng nobyo.

Si Mayor Jay Khonghun, 40, ng Subic ang bagong boyfriend ni Aiko, 42.

Sabi ng Bagani star sa caption ng kanyang post kahapon, April 9, “He’s got my back :) @mayor_jaykhonghun. Picture taken not too long ago.”

Sa eksklusibong pag-amin ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa relasyon nila ng alkalde, sinabi niyang gusto nilang maging low key lamang ang kanilang relasyon.

Aniya, “Gusto namin pareho sana, private yung relationship kasi nga public na kaming pareho.

“Kaso nga, people are seeing us na constantly, so we both decided na okay to share it sa tao but still would not want to discuss further about us in public.

“We want to keep it low for a change.”


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor

Sa isa pa ring eksklusibong panayam ng PEP, dinepensahan naman ni Mayor Khonghun si Aiko laban sa mga nag-akusa ritong siya raw ang dahilan sa hiwalayan nila ng estranged wife nito.

Sabi pa ng alkalde, “Isa lang naman sana ang gusto kong iparating, na hindi si Aiko ang cause ng paghihiwalay namin noon ng ex ko.

"Hindi naman siya ang cause.

"So, yun lang ang gusto kong iparating."


Stories We Are Tracking

Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation
Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN