Karen Reyes assures age gap is not a problem with new BF

IMAGE Instagram photo of Karen Reyes (left)/Nerisa Almo (right)

Karen Reyes says age gap between her and boyfriend Sarkie Sarangay is not a problem, "So 14 years yung age gap namin, wala lang, I find it more mas masaya kasi hindi ka mamumroblema na yung petty things pag-aawayan ninyo. Parang it's more of matured kayo pareho."


Ginulat ni Karen Reyes ang kanyang fans at followers nang mag-post ito ng larawan niya kasama ang kanyang boyfriend noong Holy Week.

Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Karen ng larawan na kasama ang boyfriend niya, ang vocalist ng bandang Silent Sanctuary na si Raymund “Sarkie” Sarangay.

Ayon kay Karen, hindi naman niya sinasadyang ibunyag ang kanilang relasyon, nais lang daw sana niyang makiuso sa mga nakikita niya sa Instagram noong panahon na 'yon.

“Actually, kasi nakikita ko sa Instagram ko, everyone's posting for summer, for Holy Week, ganyan.

“Nainggit lang ako, 'Try ko kayang mag-post.' E, wala akong ibang picture kundi 'yon.

“Sobrang worst Holy Week ever, worst summer ever yung nangyari sa amin noong nagbakasyon kami.

“Kasi, sobrang unplanned, basta pangit yung place na napuntahan namin noon.

“So, it's the only picture that I have during Holy Week.

“So nainggit ako, sabi ko, 'Try ko kayagn mag-post?' Hindi ko naman ine-expect na may writeup,” natatawa at nahihiyang kuwento ng 21-year-old Kapamilya actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Karen bago ang Skechers Move In Style fashion show noong Linggo, April 8.

Ayon kay Karen, limang taon din siyang naging single bago ang relasyon nila ni Sarkie. Anim na buwan din daw siyang niligawan ng kilalang bokalista.

“TITO LEVELS.” Samantala, pabiro namang ibinisto ni Karen ang malaking age gap nila ng kanyang boyfriend of three years.

“Actually, nagulat na lang din ako na parang, 'Ay ganyang taon ka na pala!'

“Wala kasi sa hitsura niya noong nagkakilala kami. So, ganun pala na ka-tito levels.

“Ganun lang yung lokohan namin,” nakabungisngis na paglalahad ni Karen, na aminadong avid fan ng Silent Sanctuary noon pa.

Inulit pa niya ito nang tanungin kung ano ang malaking pagkakaiba nilang dalawa.

Pabirong sagot ni Karen, “Age! Hindi, hindi. Natatawa lang ako kasi 'yon yung nasa comments box, na parang sinasabi nila na malayo daw ang age gap namin, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala naman sa 'itsura, 'di ba?

“Aside from that, wala, e. Kasi we’re both Libra pa so compatible kami.”

Sa halip na maging problema, ang age gap na ito raw ang nagustuhan ni Karen sa kanilang relasyon.

“So 14 years yung age gap namin, wala lang, I find it more mas masaya kasi hindi ka mamumroblema na yung petty things pag-aawayan ninyo.

“Parang it's more of matured kayo pareho.

“Kasi, parang ganun ako nakita ng mga tao, na parang hindi ako bata mag-isip o magsalita.

“Kasi, I'm like, 21 pero I'm talking like I'm 35 or something, 'di ba?

“Ganun, siguro nag-jive kami sa maturity.”

Dagdag pa rito ang pagkakapareho nila ng lugar na kinalakihan sa Makati.

Sabi ng Asintado actress, “Pareho kami'ng kinalakihan, yung lugar sa Makati na yun, parang...

“Kasi yung Sembo at South Sembo yun ang lugar kasi namin dun.

“Taga-South Sembo ako 'tapos taga-Sembo siya, so we have the same, parang kung papano kami tumambay, makipag-usap sa tao.

“Parang we're very... walang ere, ganun.”

Pagdating sa kanyang pamilya, inamin ni Karen na nung umpisa ay nagkaroon ng agam-agam ang kanyang ina dahil sa age gap nila ni Sarkie.

“Noong una, siyempre, parang, 'O, matanda na 'yan, baka mag-away-away kayo palagi.'

“Naiisip niya na baka hindi kami compatible, na kasi baka immature ako in other things,” sabi ni Karen.

Pero ngayon ay aprubado naman na raw ng kanyang pamilya ang kanilang relasyon.

Muli niya pang nilinaw sa huli na hindi problema ang age gap dahil, “Nagko-compromise naman kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN