Two arrest warrants issued against viral billboard suitor Xian Gaza

IMAGE Courtesy: Xian S. Gaza on Facebook

Ipinaaaresto ng isang korte sa Malabon si Xian Gaza dahil sa reklamong investment scam. Si Xian ay naging matunog sa social media noon dahil sa pagiging viral ng kanyang billboard invitation sa aktres na si Erich Gonzales para sa isang coffee date. 


Pinaghahanap na ng pulisya ang negosyanteng si Christian 'Xian' Gaza, na nakilala sa social media dahil sa pagiging viral ng billboard invitation niya kay Erich Gonzales para sa isang coffee date.


Stories We Are Tracking

Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong Martes, April 10, ang panloloko diumano sa dalawang investor ang dahilan ng pagpapaaresto kay Xian.

Ang dalawang warrant of arrest ay inilabas ng Malabon Metropolitan Trial Court Branch 120 kaugnay sa paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.

Ang nagsampa ng reklamo ay sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

Ayon pa sa ulat, magkakilala na raw ang dalawang negosyante at si Xian sa loob ng walong taon kaya raw may tiwala na daw sila sa young businessman.

Inutangan diumano ni Xian si Melinda ng P2 milyon para pondohan ang coffee shop niya dahil umatras daw ang dating business partner nito.

Sa kontrata raw na pinirmahan nila, “lender” daw ni Xian si Melinda. Binigyan daw ng una ang huli ng buwanang interes na P20,000 habang hindi pa nababayaran ang kabuuang halagang P2 million.

Nangako pa raw si Xian ng profit-sharing kapag kumita na ang negosyo.

Limang buwan lamang daw ang interes na nabayaran ni Xian. Pagkatapos nito ay hindi na makita o mahagilap ni Melinda si Xian.

Lumapit daw si Melinda sa mga magulang ni Xian upang idinulog ang problema ng kanilang anak, na umutang sa kanya ng pera.

Sinubukan daw ng mga magulang ni Xian na makipag-ayos kay Melinda sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang house and lot sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa ulat, sinabi ni Melinda, "Hindi nga nila in-expect na pati ako idadamay daw sa panloloko ng anak nila so binigyan po ako ng property na hindi naman sufficient enough dahil ang naging worth lang ng property is P700,000 pero sabi nila P3 million ang halaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bago si Melinda, nauna na raw nautangan ni Xian si Jaime Asuncion.

Siya ang tinutukoy ni Xian na kanyang business partner sa coffee shop na tinakbuhan umano siya.

Ngunit kwento ni Jaime, "Ako po 'yung nagpondo ng coffee shop. First month pa lang ng usapan namin sabi niya siya ang magpapatakbo.

“E, ako po ang nagpondo lahat, so nilalabanan ko ang 50-50 sharing. First month pa lang hindi na kami magkasundo sa hatian, so I feel na greedy itong taong ito.”

Kaya raw napagdesiyunan na niyang kumalas na sa kanilang pagiging magkasosyo sa negosyo.

Umabot daw sa P1 million ang utang ni Xian kay Jaime. Nangako naman daw si Xian na magbabayad sa pamamagitan ng tseke.

Nalinlang daw siya ni Xian kaya daw siya nagdemanda laban dito.

Nangako raw ito na babayaran siya noong nagkaharap sila sa korte subalit hindi daw ito tumupad.

“NYEAMTED.” Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Xian ang balita tungkol sa kanyang warrant of arrest.

Caption niya, “NYEAMTED.”

Kasunod nito, humingi naman siya ng paumanhin sa dalawang kanyang nautangan.

Sabi niya, “TO MS. JAIME ASUNCION & MRS. MELINDA CRUZ.”

Dati nang inakusahan ng pagiging scammer si Xian. 


Stories We Are Tracking

Businessman Xian Gaza admits to being a
Businessman Xian Gaza admits to being a "former scammer"
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Xian Gaza explains scam allegations; deletes FB posts
Xian Gaza explains scam allegations; deletes FB posts
Xian Gaza cries foul over Ella Cruz mom's allegations
Xian Gaza cries foul over Ella Cruz mom's allegations


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN