Marvin Agustin reveals why he's still in showbiz despite success in business

IMAGE Noel Orsal

Here's a key to the success of Marvin Agustin. Says the actor-businessman, "Ano ako sa lahat ng pinasok ko… Buung-buo! Ano pa ba ang silbi ng buhay kung hindi mo gagawin ng todo-todo yung mga gusto mo?"


Successful businessman na si Marvin Agustin, pero hindi pa rin niya tinatalikuran ang showbiz.

Paliwanag ng aktor, “Masaya dito, e.

“Sa lahat ng pinasok ko at pinagkaabalahan ko sa buhay ko, ito yung pinakamasaya at pinaka-relaxed.”

Nakakuwentuhan nga raw niya si Alfred Vargas, na congressman na sa 5th District ng Quezon City at hindi rin maiwan-iwanan ang pag-aartista.

Magkasama sila sa GMA-7 prime time series na Kambal Karibal.

Kuwento ni Marvin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sabi niya, ‘Alam mo, gustung-gusto ko ring mag-taping kasi para siyang bakasyon!’

“Na nalulungkot kami when some actors don’t appreciate it.

“Na hindi nila nakikita na we are the most blessed; in the set, in the industry.

“Of course, yung trabaho namin, pinaka-valuable kasi kami yung end product, kami yung nakikita.

“Pero kami… pagod, puyat, at memorization at emotions, iyon ang puhunan namin.

“But some people work the hardest than, you know, most of us.

"Kaya I guess we appreciate what we do, alam namin yung value.

“Alam namin yung kung gaano kami ka-blessed.

“Kaya siguro anytime na gusto kong pumasok, there are people na wine-welcome back ako.”

GIVING IT HIS ALL. Sa Kambal Karibal ay isang lalaking todong magmahal ang papel niya.

Paano ba magmahal si Marvin sa tunay na buhay?

“Kung ano ako sa lahat ng pinasok ko, ganun din ako. Buung-buo!

“Ano pa ba ang silbi ng buhay kung hindi mo gagawin nang todo-todo yung mga gusto mo?

“E, matulog ka na lang!” natatawang sabi ng 39-year-old actor.

Ano ang pinakamatinding ginawa niya para sa pag-ibig?

“Wow! Ah, nagka-baby ako! Nagka-baby ako!” at muling tumawa ang Kapuso actor.

“Todo yun, ha, todo na yun ha, di ba?

“Gift of love… kambal!”

Turning 13 na sa August sina Santiago at Sebastian, ang twin sons ni Marvin sa dati niyang non-showbiz girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEASURING HIMSELF. Sino naman si Marvin Agustin bilang artista?

“Bilang artista, magaling ako. Naks!” at bumunghaling tawa si Marvin.

“Hindi, magaling ako kasi mahal ko itong trabahong ito.

“Laging sinasabi ng mga mas matatandang actors sa amin, 'Always treat your performance as if it’s your last performance.'

“Ang industriyang ito, ano ‘yan e, never-ending na para kang nag-o-audition.

“Hindi lang yung talent mo, ha, kundi pati yung attitude mo towards work.

“Pag naramdaman ng industriya na hindi mo na ito pinapahalagahan, sila mismo…

"Yung iba, parang nahihirapang kumuha ng projects.

“Not because they’re not good, but because hirap silang gawin ang soap o project.

“So, pag mahirap pa ang katrabaho mo the more pang mahihirapan yung buong project.

“Kaya tingnan mo yung mga naiiwan, hindi lang yung magagaling, kundi yung mga gusto talaga yung ginagawa nila.”

AS BUSINESSMAN. Bilang businessman rin siya, ayon kay Marvin, “It’s just not making money for me.

“It’s also providing employment, helping the country.

“The more na maraming entrepreneur sa bansa, the more we could be more successful.

“The more we could… entrepreneurs could make our country richer and aggressive.

“I like actually what the government is doing now...

"Making sure the entrepreneurs would have an easier time to set up.

"And encourage more foreign partners."

Patuloy niya, “Dun ako masaya na I’m also in the business, in that industry.

"Kasi ngayon, napi-feel namin na talagang may growth potential.

“Not just in the country but also in other parts of Asia.

“That we can bring our brands there ‘cause they opened the trade.

“We can do business there and they can do business in our country.

“So, yung playing field, mas exciting, so this is an exciting time for Filipinos.

“I hope we could take advantage of the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are actually just behind a little bit of Vietnam in terms of GDP [gross domestic product].

"We’re growing crazy!”

DREAM FULFILLED. Matagal nang pangarap ni Marvin na maging direktor at natupad na ito.

Si Marvin ang direktor ng Magpakailanman episode na "When Love Conquers All: The Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao Story."

Tampok dito sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez; kasama sina Miguel Faustmann, Rob Moya, Arianne Bautista, Ameera Johara, at Jenine Desiderio.

Eere ang episode ngayong Sabado, April 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN