Female netizen clarifies private message from Joshua Garcia; says, "Josh is for Juls"

IMAGE Instagram @garciajoshuae / Twitter @danerhea

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter posts, nilinaw ng female netizen na si @danerhea na maliban sa "art photo" na comment ni Joshua Garcia ay wala raw silang pinag-usapan ng The Good Son actor. Iginiit din ng dalaga na peke ang diumano'y Facebook chat nila ni Joshua na kumalat sa social media.


Inamin ng female netizen na may Twitter handle na @danerhea na umani siya ng pambabatikos mula nang isapubliko niya ang pagpapadala ng maiksing direct message sa kanya ng The Good Son actor na si Joshua Garcia.

March 12, 2018 nang ibahagi ni Dane sa kanyang Twitter account ang natanggap niyang mensahe mula kay Joshua patungkol sa swimsuit photo ng dalaga.

Nakasaad sa maiksing mensahe ni Joshua ang “art photo” at thumbs up emoji.

Tweet ni Dane ukol dito:

Dito nagsimulang magkaroon ng espekulasyon kung ano ang kaugnayan ni Joshua sa netizen.

Kasabay nito ay kumalat din sa social media ang diumano’y private chat sa Facebook na nagpapakita ng pagnanais ng aktor na makipagkilala at makipagkita sa isang di kilalang netizen.


May ilang Internet sites din ang tumukoy kay Dane na siyang pinanggalingan ng kumalat na diumano’y Facebook messages mula kay Joshua.

FAKE FACEBOOK CONVO. Ngunit sa kanyang tweets noong March 24, nilinaw ni Dane na ang tanging mensaheng natanggap niya mula kay Joshua ay ang “art photo” comment ng binata.

Wala rin umano siyang balak manghimasok sa relasyong Joshua at Julia.

Paliwanag ni Dane, “Hi guys! Chill lang tayo as much as I don't want to say anything, pero sumobra na kasi yung fake news. I don't mean anything bad.

“Binakla ko nga lang yung caption, actually. It's normal for me and my friends to say 'yes?? Bakeeet'

“And di totoo yung fb convo sa mga articles. Idk who edited that pero it's not me.

“I'm super busy rn and di ko na binabasa yung about dito kasi wala lang sakin. But im sorry sa lahat ng fans Josh is for Juls guys! So chill.”

Narito ang screencap ng nabanggit na tweets ni Dane:


JOSHUA AND JULIA'S REACTION. Noon pa lang March 19 ay nakapanayam na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua hinggil sa pagpapadala niya ng private messages kay Dane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Joshua na “nainis at na-hurt” siya sa isyu, ngunit tumanggi ang aktor na magdetalye kung nakaapekto ba ito sa relasyon nila ng rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Ngunit nagpatuloy pa rin ang espekulasyon na ang pagkakaugnay ni Joshua sa female netizen ay naging mitsa diumano ng hindi pagkakaunawaan nila ni Julia.

Noong March 30 ay nagpalitan ng tweets sina Joshua at Julia bilang patunay na maayos ang lahat sa pagitan nila.

Nasundan ito ng tweets ni Julia noong April 6, na nagsasabing tigilan na ang pag-uugnay kay Joshua sa ibang babae.


Stories We Are Tracking

Julia slams third-party rumor involving Joshua
Julia slams third-party rumor involving Joshua
Joshua, Julia take a swipe at naysayers
Joshua, Julia take a swipe at naysayers

Hanggang sa kagabi, April 10, nakapanayam si Joshua ng TV host na si Boy Abunda sa ABS-CBN late-night show na Tonight With Boy Abunda.

Dito ay inamin ni Joshua na naghayag siya ng paghanga sa swimsuit photo ni Dane sa pamamagitan ng pagpapadala ng direct message sa dalaga.

Ngunit iginiit ni Joshua na wala silang anumang ugnayan ni Dane.

Inamin din ni Joshua na pinagmulan ito ng "misunderstanding" nila ni Julia, ngunit nagkaayos din sila kaagad.

READ: PEP TROIKA: Joshua Garcia, iniyakan ang balitang break na sila ni Julia Barretto

"JOSH IS FOR JULS." Tila nakarating na rin kay Dane ang pagkakabanggit sa kanya ni Joshua sa TV interview.

Sa kanyang tweets kagabi, April 10, inulit ni Dane ang katagang "Josh is for Juls" upang matapos na ang isyu.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Dane sa pamamagitan ng Facebook messenger, ngunit wala pa itong sagot sa kasalukuyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN