Donita Nose harbors no ill feelings towards Wowowin host Willie Revillame

IMAGE Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat ng komedyanteng si Donita Nose kay Willie Revillame dahil ito raw ang nagbigay ng break upang makilala siya sa mundo ng showbiz. 

 


Walang sama ng loob.

Ito ang sabi ng komedyante at TV host na si Donita Nose tungkol kay Willie Revillame dahil sa pagkasibak niya sa Wowowin ng GMA-7 noong October 2017.

Bukod sa kanya, natanggal din sa show sina Ariella Arida, Ashley Ortega, Sugar Mercado, at ang baguhang komedyanteng si Verna.


Stories We Are Tracking

Donita Nose denies Willie Revillame fired <em>Wowowin</em> co-hosts
Donita Nose denies Willie Revillame fired Wowowin co-hosts

Saad ng GMA Artist Center talent, “A, hindi... wala akong sama ng loob sa kanya

“Actually, sabi ko nga, lahat ng nangyayari sa akin ngayon, it’s because of him.

“Because of Wowowin kung bakit ako napunta sa GMA-7 at nagkaroon ng mga shows.

“So, masaya po ako.”

Ang dahilan ng biglaang pagkasibak nila sa show noon ay hindi raw nagustuhan ni Willie ang pagbubulungan nila sa likod habang nagsasalita ang TV host sa kamera.

Ngunit ayon kay Donita, balak talaga ni Willie na i-reformat ang kanilang early prime time game show.

“It’s just that talagang sometimes… siguro kailangan mo nang magpalit, mag-reformat or whatsoever.

“So, desisyon niya po yun, pero okay naman po kami.”

Malaki raw ang utang na loob niya sa Wowowin at kay Willie dahil nakilala siya sa mundo ng telebisyon mula sa pagiging stand-up comedian.

Sabi ni Donita, “Hello, after Wowowin, lagi naman po akong may shows. So, happy po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Donita sa media conference ng concert na OH, BOY! & OH, LOL! na ginanap ngayong Miyerkules, April 11.

Bukod kay Donita, kasama rin niyang humarap sa media sina Derrick Monasterio, Jak Roberto, Dave Bornea, at Rocco Nacino.

Hindi nakadalo si Super Tekla dahil may flight daw ito papuntang Europe.

Gaganapin ang concert nila sa Music Museum sa May 18.


GRATEFUL. Na-miss daw ni Donita ang mga kaganapan noon sa Wowowin, mapa-backstage man o sa harap ng kamera.

Sabi niya, “Nami-miss mo yung mga pinagdaanan mo, lalo na kung maganda naman ang naibigay nito sa 'yong experience, di ba, kahit papa'no, nakaka-miss pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi ko nga, sa sarili ko nga, still, si Kuya Wil pa rin naman ang magde-decide kung tatawagin pa niya ako ulit o kung hindi na, parang ganun po.

"So, wala naman po kami [tampuhan] ni Kuya, okay naman po kami.”

Tatanawin daw niyang isang malaking utang na loob ang malaking tiwalang ibinigay sa kanya ni Willie sa show.

Ayon kay Donita, “Actually, parang kasi, usually nga babae nga talaga ang co-hosts, di ba?

“Dun nga lang ako natuwa nang sobra na binigyan niya ako ng chance na maging co-host talaga.

“Usually kami, on the side lang talaga, kaming mga bading, pampasaya, pampa-energize sa mga tao. Mga ganyan.

“As in, ginawa niya talaga akong mainstay as co-host.

"'Tapos ako pa yung parang binibigyan niya ng authority na kapag wala siyang boses na, ‘O, Donita, ikaw muna bahala diyan.’

"So, nakaka-flatter kasi, hello, si Kuya Willie yun, e, kilala natin kung ano yung standards niya.

“'Tapos binigyan ka niya [ng pagkakataon] na mag-handle ng ganung situation, so sobrang nakaka-proud.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN