Dianne Medina stressed over wedding planning; Rodjun Cruz remains relaxed

IMAGE Nerisa Almo

Dianne Medina on preparations of her wedding with Rodjun Cruz: "Stressed because of the wedding planning. Not only that, we're also planning our house together."


Tila magkaiba ang nararamdaman ng engaged couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at reporters ang magkasintahan kung ano ang mga nagbago simula nang ma-engage sila, mapapansing parang relaxed lang si Rodjun, samantalang si Dianne ang very vocal na nai-stress siya.

Nakangiting sagot ni Rodjun, “Parang wala naman masyado. Parang mas na-in love lang ako kay Dianne.”

Seryosong sagot naman ni Dianne, “For me, a lot of pressure right now, the amount of stress...”

Biro ng kanyang fiancé, “Stressed ka niyan?”

Pero patuloy ni Dianne, “Stressed because of the wedding planning.

“Not only that, we're also planning our house together.

“Maraming mga nagbago rin, siyempre nag-level up na rin ang relationship namin.

“Coming from boyfriend-girlfriend, and now engaged, may pressure konti.

“But we're trying... Actually, I'm trying my best to enjoy the journey of the wedding preparation.

“Kasi siya... I'm more hands-on. Si Rodjun kasi, hindi siya masyadong into details.”

Natawa naman si Rodjun at sinabi sa kanyang fiancée, “Oh! Hands-on ako!”

Hirit naman ni Dianne, “Hindi siya hands-on.”

Ayon sa magkasintahan, sa December 2019 gaganapin ang kanilang kasal.

Dagdag ni Dianne, “For the church, it's Manila Cathedral, and the reception, Sofitel.

“It's gonna happen next year, December.

"We want it really, really festive, kaya December kasi Pasko.”

Kaya naman sa natitirang mahigit isang taon bago ang kasal, sabi ni Rodjun, “So ngayon, todo work kami para sa kasal.”

Dagdag ni Dianne, “Kailangan talaga.”

Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye ang dalawa pagdating sa mga iimbitahang bisita.

Pero sigurado raw may iimbitahin sila mula sa mga network na kanilang pinagtatrabahuan—si Dianne sa PTV4 at si Rodjun sa GMA Network.

Nakausap ng entertainment reporters sina Dianne at Rodjun sa Skechers Move In Style fashion show noong Linggo, April 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO HAVE KIDS. Halos isang dekada ring naging magkasintahan sina Dianne at Rodjun bago sila ma-engage.

Kaya naman sabi ng dalawa, handang-handa na sila sa papasuking bagong yugto ng kanilang buhay.

Ani Dianne, "Honestly, ready naman na sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya.

“But more than that, my fear is fear of change because I'm a very career-oriented person.

“I love to work, I love my job.

"But, you know, I'm not getting any younger also...

"Siguro after wedding, we're planning talaga [magka-baby]. I'm already 33 by that time."

Nang tanungin kung ilan ang gusto nilang anak, ang sagot ni Rodjun, “Siguro five kids.”

Salungat naman na sagot ni Dianne, “Hanggang dalawa lang kami.”

Sagot ni Rodjun sa kanya, “Basta healthy.”

Dahil dito, biniro ng reporters ang dalawa tungkol sa pagiging magkasalungat nila palagi.

“So many things. But as they say, opposites attract!” natatawang sabi ni Dianne.

Aminado naman si Rodjun na sa kanilang dalawa, siya ang aakalain mong hindi seryoso.

Pero nilinaw niya, “Sobrang magkasundo kami niyan. Magkaiba lang kami.

“Si Dianne talaga, siya yung mas seryoso, iniisip niya yung future.

“Ako kasi, happy-go-lucky talaga ako, e, gusto ko lang i-enjoy yung journey na kasama si Dianne.”

Sa huli, sinabi ni Rodjun na tulad ni Dianne ay hindi siya natatakot sa buhay may-asawa.

“Hindi ako natatakot, wala akong fear.

"Kung mahal ninyo ang bawat isa... Siyempre, hindi naman perfect lahat 'yan, maraming challenges.

“Kapag mahal niyo ang isa't isa... ini-enjoy lang namin at si Lord ang center ng relationship namin, so masaya ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN