Baste Duterte says no to entering politics: "Gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo."

IMAGE Noel Orsal

Baste Duterte on possibility of entering politics like his father and siblings: "Hindi naman that I don't consider because I need to plan things out, pero yung inclination ko, hindi talaga doon papunta. As much sa possible, gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo. 'Tapos yung family ko, ganyan na sila. Nandiyan na sila so I got used to it na."


Ang reality travel show na Lakbai ng TV5 ang nag-iisang television show na tinanggap noong 2017 ng presidential son na si Sebastian "Baste" Duterte.

Hindi na nasundan pa ang Lakbai kaya may mga nagtatanong kung interesado pa rin siyang magkaroon ng television show.

Ayon kay Baste, "Hindi na siguro. Ewan ko… depende.

"Siguro kung talagang maganda yung ipapalabas nila, yung content, mas particular ako sa mga project when it comes to content.

"Kung ano ang ipapalabas nila, gusto ko may impact.

"If ever, kung puwede talaga. Hindi yung purely for showbiz lang, for commercial just to strengthen a brand.

"Depende."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baste sa pictorial ng bagong endorsement niya bilang ambassador ng isang insurance company, sa Makati City, kahapon, April 11.

Piling-pili ang mga product endorsement offer na tinatanggap ni Baste at, kadalasan, kakilala niya ang mga may-ari ng kompanya dahil mas importante raw sa kanyang kumportable siya.

"Usually, personally, kilala ko talaga yung may-ari, saka brand.

"Basta comfortable lang talaga ako.

"Marami na akong tinanggihan na offers," ang sabi ni Baste, na passion pa rin ang pagkanta.

LIKE FATHER, LIKE SON. Gaya ng kanyang ama na si President Rodrigo Duterte, prangka at walang paliguy-ligoy si Baste sa pagsagot.

Nang itanong ng PEP.ph ang kanyang mga advocacy bilang presidential son, sagot ni Baste, "Wala naman talaga akong advocacy. Hindi naman talaga ako yung super active.

"Ano lang, I just use social media, post something about the environment… a lot of things.

"But I don’t really take too much attention on advocacies because I’m not in public service, you know.

"I’m still a civilian, ganoon lang. I still value my private life."

Ano ang mga challenge bilang anak ng pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas?

"Challenge lang siya kapag naging anak ka ng president, like being just a son."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang kaibahan niya sa ibang presidential children?

"I do not know," sagot ni Baste.

"Sa amin naman tatlong magkakapatid... I mean, apat kami na siblings, ako lang yung wala sa politics, walang experience.

"I mean, sa campaign sumali ako. I helped my father, but that was it.

"After that, I went out of the scene, out of the political scene because that was not my type."

Si Baste ang bunso sa tatlong anak ni Pangulong Duterte sa asawa nitong si Elizabeth Zimmerman.

Ang dalawa niyang kapatid ay sina former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at incumbent Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang isa pa nilang kapatid ay si Kitty Duterte, anak ng Pangulo sa common-law wife nitong si Honeylet Avanceña.

Ano ang ugali ng kanyang tatay na minana niya?

Sagot ni Baste, "Hindi ko alam, kasi hindi ko naman siya kilala nung thirty years old siya.

"I can’t act like a 60 years old, like some people expect me to be in line with my father’s behavior.

"But I am a thirty-year-old, late adolescent."

POLITICAL PLANS. May political plans ba siya?

Ayon kay Baste, "I have no political plans.

"Hindi naman that I don’t consider because I need to plan things out, pero yung inclination ko, hindi talaga doon papunta.

"As much sa possible, gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo.

"'Tapos yung family ko, ganyan na sila. Nandiyan na sila so I got used to it na."

Patuloy niya, "Hindi mo na alam kung sino ang mga kinakausap mo.

"Mga tao na nakakasalubong mo, kasi may bias na lahat, di ba?

"It comes along with the status I have now. I need to be conscious."

Ano ang makapagpapabago sa desisyon niya para makumbinsi siyang pumasok sa pulitika?

"Kailangan, may cause talaga, any particular cause, kung hahanapin ako ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko... I really do not know.

"Pero mailalagay mo lang ako diyan kung may cause.

"Pero kung sarili ko lang, bakit ko naman papasukin?"

PRESIDENTIAL SON. Ano ang mga pagbabago sa sarili niya mula nang mahalal na Pangulo ng bansa ang kanyang ama?

Sagot ni Baste, "Wala naman talaga.

"I mean, sa sarili ko, walang nagbago.

"Pero yung environment ko talaga and the people, how they treat me, how they see me, I’m sure nagbago 'yan.

"Pero sa akin, I try not to tamper the old me, kasi masaya na ako dun.

"Kung may nagbago naman, yung perspective ko sa buhay, talagang nagbago.

"Siyempre kasi, you can see a lot [that] not many people see.

"Andito ka, e, ang dami mong makikilala."

Dumami ba ang mga taong lumalapit at humihingi sa kanya ng tulong mula nang maging presidential son siya? Paano niya tinatanggihan ang mga taong may mga hidden agenda?

Saad ni Baste, "Of course, it’s natural, you just have to be.

"Sometimes I can be very straightforward if I don’t like someone who’s talking to me about something, then I tell them to cut it, 'coz I’m not really interested.

"Yung ano lang naman talaga, yung kailangan mo lang talaga na magbigay ng atensiyon sa mga tao.

"Kasi I’m also grateful that the people voted my father, that’s why to return that favor, I just have to talk to them.

"Even though I have to think about things, like my personal problems, I have to entertain these people because they're so enthusiastic about the whole thing.

"Kailangan ko kausapin.

"Ayos lang naman kasi, ako rin naman, as a voter, as a Filipino citizen, I also believe in the ideas of my father.

"So, nakaka-relate naman ako sa mga tao na nakakausap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang, I cannot handle that every time I go out."

ADVICE TO HIS FATHER. Kung hindi siya related kay President Duterte at adviser siya nito, ano ang payo na ibibigay niya sa Pangulo?

"Advice na ibibigay? Kasi kilala ko siya... I don’t know, I will just let him be.

"Suporta na lang talaga. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na mapagsasabihan talaga."

Nagbibilang din ba siya na apat na taon na lang ang nalalabing termino sa panunungkulan ng Presidente?

"Dapat lang!" bulalas niya.

"You have to be smart about this. Hindi puwedeng gagawa ka lang ng gagawin mo.

"Kasi kung may gagawin ako, hindi lang naman yung reputasyon ko ang maaapektuhan, pati na yung sa tatay ko, and I have to be careful about that.

"I have to be responsible as well, kasi malaki ka na rin naman.

"I am thirty years old. I have to be mature.

"I have to think, 'How do you see yourself four years from now?'

"Four years from now, nasa Davao lang ako.

"Sa Manila kasi traffic, the environment, it’s very polluted. Crime rate is high.

"Natutukan na ako dati ng kutsilyo diyan sa Recto. Matagal na, college ako.

"Siyempre, tumakbo ako. Mga dalawa o tatlo sila.

"Hindi naman ako na-trauma."

Patuloy ni Baste, "Sa Davao kasi, walang ganoon.

"Yun ang totoo talaga, kung meron man, konti lang.

"Kasi balwarte ko, balwarte ng pamilya namin.

"Saka hindi ganoon karami ang tao, iba yung environment talaga."

Kung totoong may second life, gugustuhin niya bang isilang siyang muli bilang si Baste?

Tugon ng presidential son, "Oo naman, ako talaga.

"Okey lang ako sa buhay ko. Ayos lang.

"Kasi, kunwari kung pipili ka ng buhay ng ibang tao, let’s say, for example, si Mahatma Gandhi, hindi mo masasabi na masaya yung buhay niya kahit ganoon yung reputation niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-end up siya na ganoon.

"Lahat naman tayo, same struggle lang. Lahat naman tayo, pagdadaanan talaga ang buhay.

"Wala naman sa atin na pipili na, kunwari, ipapanganak na anak ni Donald Trump or being Trump himself, dumaan din sa sakit, sa saya.

"All the same for me, it’s all the same for me.

"It just depends on your perspective on life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN