Janella Salvador defends team up with Jameson Blake: "If you don't have anything nice to say, don't say it."

IMAGE Bernie Franco

Janella Salvador is willing to have other leading men aside from onscreen partner Elmo Magalona: "Mas okay na rin na hindi ako i-pair sa isang person consistently." Janella is now being paired with Jameson Blake for a Regal movie.


Hindi na raw nagulat si Janella Salvador na hindi ikinatuwa ng ibang fans ng Elmo Magalona-Janella love team—mas kilala sa tawag na ElNella—na negatibo ang reaksiyon sa pagkakapareha niya sa Hashtags member na si Jameson Blake sa isang pelikula.

Magkatambal sina Janella at Jameson sa upcoming movie na So Connected ng Regal Entertainment, Inc.

“Expected naman yun.

"If you’re an ElNella fan, siyempre you’ll always want an ElNella [project].

"Or if you want whatever your fans club is, yun ang gusto mong i-ship,” paliwanag ng 20-anyos na aktres sa pictorial ng upcoming movie nila ni Jameson kahapon, Miyerkules, April 11.

Bunsod nito, nakaranas ng pamba-bash si Jameson mula sa ilang ElNella fans.

May mga nagsabing ginagamit pa ni Jameson si Janella para pag-usapan.

Umapela naman si Janella.

“I just hope people, instead na mam-bash, i-support na lang nila yung love team na gusto nila.

“You don’t have to say harsh words, you don’t have to fight other people just because of it.

“If you don’t have anything nice to say, don’t say it na lang,” saad ng dalaga.

NO MORE ELNELLA? Naging makahulugan din ang pahayag ni Janella tungkol sa pagpapareha sa kanya sa ibang leading man.

Ayaw na raw niyang magkaroon ng bagong consistent leading man kung hindi na sila magtatambal muli ni Elmo.

“Siyempre, love ko naman lahat ng fans, pero I requested din sa mga tao na sana, after everything, mas okay na rin na hindi ako i-pair sa isang person consistently na lang.

“If hindi na kami puwedeng i-pair up ni Elmo, if hindi na talaga puwede, then ayoko na maging path yun, if ever yun ang plan nila for me.”

Dagdag niya, “I’ll admit that it was really hard for me to accept na I have to work with different people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But now, okay na sa akin.”

Naisip daw niyang makatutulong ito para maging versatile bilang aktres.

Aniya pa, “Na-realize ko naman whatever is the personal side, it does not have to affect the work side.”

Ang So Connected ay idinirek ni Jason Paul Laxamana at ipalalabas sa mga sinehan  sa May 23. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN