Rocco Nacino opens up about relationship with volleyball player Melissa Gohing

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @gohingmelissa on Instagram

Ramdam ang kilig sa mga salita ni Rocco Nacino habang nagkukuwento tungkol sa bago niyang nobya na si Melissa Gohing. 


Sa unang pagkakataon ay nagkuwento si Rocco Nacino tungkol sa relasyon nila ng volleyball player na si Melissa Gohing.

“Nakakatuwa lang, we started out as friends, 'tapos biglang nag-click kami bigla, nagtuluy-tuloy lang.

"So, I think the love for sports," simulang kuwento ng Kapuso actor.

Katulad ni Melissa, aktibo rin sa sports si Rocco.

Ilang buwan na ba sila ng nobya?

Sagot ng aktor, “Siguro... five? 

"Hindi namin nabibilang, e, hindi naman kami nagsi-celebrate ng monthsary.

"I think, siguro, half a year, mga ganun."

To more travels with you, mi amor?? @gohingmelissa

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Kailan sila nagkakilala ni Melissa?

Saad ng 31-year-old actor, “Matagal na kami magkakilala... nagkataon na nagkita kami ulit.

“And then, that’s where things kicked off.

"Nag-date na rin kami before, pero dahil sobrang busy siya sa season niya, ako sa Enca (Encantadia), hindi rin nagkatuluyan.

“Nung nagkita kami ulit, dun na. Yung strike two, dun kami nagdire-diretso.

“Matagal na, mga two years ago kami nagkakilala.”

Ekslusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa media conference ng concert na OH BOY! & OH LOL!, kahapon, April 11.

Gaganapin ang concert nina Rocco, Derrick Monasterio, Dave Bornea, Super Tekla, Donita Nose, at Jak Roberto sa Music Museum sa May 18.

BOTH COMPETITIVE. Si Melissa ay dating player ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Kabilang siya sa koponang nag-uwi ng apat na championship titles.

Napanalunan niya ang UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 71 Rookie of the Year award.

Ngayon ay naglalaro siya para sa Creamline Cool Smashers team ng 2018 Premier Volleyball League (PVL).

Sports reporter na rin siya ng ABS-CBN Sports & Action (S&A).

Anong mayroon sa nobya at napamahal na ito sa kanya?

Tugon ni Rocco, “Siguro yung pagiging very competitive, because isa siyang athlete and I, being one, aside from being an actor.

"And nakita ko sa kanya kung anong meron rin ako—yung fire, yung hunger, and sobrang nagja-jibe kami when it comes to talking about everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinagkaiba sa mga nauna niyang nakarelasyon?

Lahad ni Rocco, “Ipinagkaiba siguro, first ko na nasa kabilang istasyon, kaya nakakatuwa nalalaman ko kung anong mga projects niya with ABS-CBN.

“I’m really happy for her, kasi ngayon she’s gonna be hosting for UAAP, PVL, and that’s gonna be a different field for her.

“So, laking tulong na yung sports niya sa La Salle maa-apply niya ngayon.

"And pinagkaiba nito, first time ko nagkaroon ng girlfriend na atleta.

"So, nakakatuwa, yung competitiveness naming dalawa. Nagja-jibe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN