Toni Gonzaga comments on sister Alex's controversial vlog with BF

IMAGE Noel Orsal (right)

Toni Gonzaga on controversial vlog of younger sister Alex Gonzaga with boyfriend Mikee Morada: "Wala, kasi ano yun, mga internal jokes nila na marami ang na-offend, marami ang naano, naiintindihan ko naman yun."


Pinagsabihan daw ni Toni Gonzaga ang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga dahil sa isyung pagdi-dirty finger ng boyfriend nitong si Mikee Morada sa isang vlog niya noong Marso.

Kuha ang video sa trip nina Alex at Mikee, kasama ang isang kaibigan, sa isang resort sa La Union.

Sa naturang vlog ni Alex, na na-post sa kanyang YouTube channel noong March 14, mapapanood na binibiro ni Alex ang kanyang boyfriend habang nasa loob sila ng van.

Mapapansing tila inis at walang imik si Mikee.

Maya-maya pa, habang kinukulit ni Alex at nakatutok sa kanya ang camera, ipinakita ni Mikee ang kanyang middle finger.

Sabi ni Alex kay Mikee, “Ayan, hindi ko 'yan ie-edit out, bahala ka.”

Pero tinakpan ito ni Alex ng dirty finger na emoji.

Maraming netizens ang nadismaya sa pangyayaring ito.

Pero para sa ate ni Alex na si Toni, hindi ito dapat gawing big deal masyado.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Linggo, April 8, sinabi ni Toni, “Wala, kasi ano yun, mga internal jokes nila na marami ang na-offend, marami ang naano, naiintindihan ko naman yun.

“Siyempre, hindi naman natin alam what’s really going on behind the camera, what their relationship really like, it’s okay.”

Gayunman, ani Toni, “Pinagsabihan ko lang, but I heard her side also.

“It was, like, ganun talaga, e, yung maliliit na bagay sa atin, big deal sa ibang tao, so respect na lang natin ang opinion nila.

“They have their opinion, we also have our own lives to live, so sabi ko, 'Okay lang yun. Hayaan na lang.'”

Samantala, kinumpirma ni Toni ang pelikulang gagawin nilang ni Alex.

Ito ay ipo-produce ng kanyang mister na si Paul Soriano.

Paglilinaw ni Toni, “Hindi si Paul ang director, he is the producer of the film.

“I think it will be co-prod with Star Cinema also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Istorya ng magkapatid, para siyang comedy/drama, family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN