Sunshine Cruz defends moving to GMA-7 after Wildflower

IMAGE INstagram

Sunshine Cruz (third from right) on working with GMA-7 after her stint on ABS-CBN's Wildflower: "They have to understand that I love working, and it's important for me na palaging may work. It's a blessing to be given this kind of opportunity. Blessing ito, not just for me but for my children as well."


May mga netizen na naghayag sa social media ng kanilang pagkadismaya kay Sunshine Cruz dahil sa pagtanggap nito ng trabaho sa GMA Network.

Katatapos lamang daw kasi ng Wildflower, ang teleserye ng ABS-CBN kung saan nakasama ang aktres sa cast.

Kahapon, April 11, ginanap ang story conference ng pagbibidahang teleserye ni Sunshine sa Kapuso network, ang Karibal Ko Ang Aking Ina.

Makakasama niya rito sina Zoren Legaspi, Bea Binene, Benjamin Alves, David Licauco, at Bing Loyzaga.

Ayon kay Sunshine, isa itong blessing para sa kanya.

“Blessing ‘yan for me. More work, more fun,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, April 12.

Dagdag pa niya, “The role is very interesting. Fashionista ako dito.

"Something new. I’m really excited."

Paglilinaw pa ni Sunshine, show contract lamang ang pinirmahan niya sa GMA-7, pati na noong nasa ABS-CBN pa siya.

Saad niya, “Nagpaalam naman po kami nang maayos sa ABS-CBN.

“Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN.

"Nabuhay ko nang maayos ang kids ko dahil sa series na ginawa ko sa kanila.

“Non-exclusive naman po ako and puwede kahit saan.

“I’m just grateful na nabibigyan tayo ng trabaho madalas.”

Dagdag pa ng aktres, sana ay maintindihan ng mga tao kung bakit kailangan niyang magtrabaho sa ibang network.

Aniya, “They have to understand that I love working, and it’s important for me na palaging may work.

“It’s a blessing to be given this kind of opportunity.

“Blessing ito, not just for me but for my children as well.”

“At the end of the day, work is work, and we should always be thankful for the opportunity and trust given to us.”

Si Sunshine ay single mother sa tatlo niyang anak na babae, pagkatapos nilang maghiwalay ng mister niyang si Cesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN