Former GMA-7 star Enzo Pineda reacts to Ryza Cenon's transfer to ABS-CBN

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Enzo Pineda (right) is happy to learn that Ryza Cenon (left) has transferred to ABS-CBN. Enzo and Ryza were both products of GMA-7's StarStruck.


"I just did."

Ito ang sagot ni Enzo Pineda nang matanong kung nabalitaan na niya ang pagpirma ng kontrata si Ryza Cenon sa ABS-CBN.

Sina Enzo at Ryza ay parehong galing sa GMA-7.

Kapwa rin sila produkto ng reality-based artista search na StarStruck.

Si Ryza ang Ultimate Female Survivor noong Season 2, habang si Enzo naman ang First Prince noong Season 5.

Lumipat si Enzo sa Kapamilya Network noong December 2016.

Si Ryza naman ay pumirma ng two-year contract sa Kapamilya network ngayong Huwebes ng tanghali, April 12.


Stories We Are Tracking

Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA
Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng pelikulang DOTGA (Da One That Ghost Away) ilang oras pagkatapos ng contract signing ni Ryza sa ABS-CBN.

Kaya tinanong siya tungkol sa paglipat ng dati niyang kasamahan sa Kapuso network.

Pahayag ng Bagani actor, “I’m very happy na may mga colleagues ako na lumilipat dito.

"Siguro sa mundo naman ng pagiging artista, maliit lang naman na mundo, and it’s nice to know na may isa akong kakilala sa kabilang network na nandito ngayon and, hopefully, makatrabaho ko siya soon.

“Kasi, I believe si Ryza is one of the better actresses in our generation now, and welcome!”

May payo ba siya kay Ryza upang maging successful din ang paglipat nito?

Ayon kay Enzo, “I think alam naman niya yun.

“It’s just to always continue to do good work.

"Kung ano yung magandang trabaho na ginagawa niya from the other network, ike-carry over lang niya.

“Siguro it’s just being consistent sa pagiging magaling na artista and, with that, alam ko naman na mabait siyang tao.

"And simple lang, tuluy-tuloy lang ang ginagawa niyang yun, she’ll go far places."

Malaki naman ang pasasalamat ni Enzo na sunud-sunod ang projects niya sa ABS-CBN.

Kagaya na lamang ng DOTGA ng Star Cinema, kung saan kasama niya sa cast sina Kim Chiu, Ryan Bang, Maymay Entrata, Edward Barber, Pepe Herrera, Lassy Marquez, Moi Bien, Marissa Delgado, at Odette Khan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I feel very blessed," sambit ni Enzo.

“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN for giving me constant projects.

“Hindi ako nawalan ng trabaho ever since na nakaapak ako dito.

"And I’m really thankful dahil nabigyan nila ako ng opportunity para ipakita ko yung galing ko, saka to do what I love to do, which is acting."

Ang DOTGA ay idinirek ni Tony Y. Reyes at ipapalabas sa mga sinehan simula sa April 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN