Gina Alajar defends Nora Aunor against walkout rumor

IMAGE Noel Orsal

Gina Alajar (left) has a theory on rumors about Nora Aunor (right): "Kung anuman yung rason nila para gawin nila yun, hindi ko alam, but one thing for sure is takot sila. If it's a demolition job, bakit mo ginagawa? You are afraid. You're afraid of something."


Gulat na gulat si Gina Alajar nang malaman nitong may isyung nag-walkout diumano si Nora Aunor sa set ng Extraordinary Love, ang upcoming prime-time series ng GMA-7.

Si Gina ang direktor at si Nora naman ang isa sa mga bida ng teleseryeng ito.

"Ha?! Hindi namin siya pinakawalan?" ang takang-takang tanong ng multi-awarded actress nang ikuwento sa kanya ni Mercy Lejarde, isa sa mga confidante ni Nora, ang isyu ng alleged walkout ng Superstar dahil lumampas sa 10 P.M. cut-off time nito ang taping niya para sa Extraordinary Love.

Si Mercy ang tinawagan ni Nora sa telepono nang malaman ng aktres ang tsismis na, diumano, “tinopak” siya sa set ng teleserye.

Tumawag si Nora kay Mercy dahil sa kagustuhan niyang malaman ang source ng intriga.

Read:  PEP TROIKA: Nora Aunor, maaga ang cut-off sa taping dahil sa karamdaman?

Mariin namang pinabulaanan ni Gina ang isyu.

Pahayag niya tungkol kay Nora, "Hindi siya tinopak.

"Hindi siya tinotopak, nakakatatlong araw na kami [ng taping], hindi siya tinotopak!

"Sino ang nagsulat?" tanong pa ng actress-director.

Pinabulaanan din ni Gina ang haka-hakang galing sa production staff ng Extraordinary Love ang balita.

"Walang walkout," diin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina kahapon, April 12, sa set ng Kapuso afternoon drama series na Hindi Ko Kayang Iwan, kung saan siya ang gumaganap na kontrabida ni Yasmien Kurdi.

LEAD STAR. Itinanggi rin ni Gina na special participation lamang si Nora sa bagong prime-time teleserye ng Kapuso network.

Saad niya, "Anong special participation? Hindi, ah! Siya kaya ang bida.

"Of course not, hindi siya special participation.

"I mean, she’s a strong poste sa soap na 'to.

"We all know na kailangan ng matitibay na poste para magtagumpay ito.

"Sa lahat ng launching ng isang artista, ang pinakaimportante doon ay ang mga poste.

"It’s like isang bahay, kailangan apat ang poste mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apat na poste mo, matibay, hindi tumutumba.

"We have actors like si Guy [Nora], si Cherie Gil, si Gardo Verzosa... nandiyan ang mga artistang 'yan para maging poste.

"And what could be more interesting to see Guy and Cherie face each other, hindi ba?

"So, ngayon pa lang, as a director, I’m so excited already sa face-off nila, sa mga eksena nila."

Ulit ni Gina, "Hindi siya special participation.

"She’s a major major character in this soap and we need her para maging umami ang soap namin, yung masarap na panlasa."

DEMOLITION JOB? Imbes na maapektuhan, inisip ni Gina na may mga natatakot sa nalalapit na airing ng Extraordinary Love kaya sinisiraan si Nora.

"Natutuwa ako kasi may naninira.

"You’d think it the other way, kaya ka sinisiraan is because they are afraid. They’re afraid of the strength of the show, hindi ba?

"Ngayon pa lang, inuumpisahan na nila.

"Gusto nilang sirain ang camaraderie, gusto nilang sirain ang mood ni Guy, everything.

"Kung anuman yung rason nila para gawin nila yun, hindi ko alam, but one thing for sure is takot sila.

"If it’s a demolition job, bakit mo ginagawa? You are afraid. You’re afraid of something.

"Para sa akin," ayon pa kay Gina, "as long as tahimik kami sa set, masaya si Guy sa set.

"She comes early in the morning, hindi siya nale-late sa taping.

"Hindi siya ang tipo ng artista na nagpapaantay.

"Hindi siya yung artistang kung kailan actor’s in, saka siya magbibihis, saka siya magme-makeup.

"Kapag in-actor’s in mo siya, nandiyan na siya."

Sinabi rin ni Gina na hindi siya kinumbinsi para maging direktor ng Extraordinary Love.

"Hindi naman ako kailangang i-convince kasi sinabi nila sa akin na ang bida nga, si Mareng Guy.

"It’s the thought of Mareng Guy. It’s an opportunity na hindi mo puwedeng palagpasin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN