Ruru Madrid speaks up about Gabbi Garcia's exit from Sherlock Jr.

IMAGE Ruru Madrid Instagram

Ruru Madrid on team-up with Gabbi Garcia: "Kung kami po talaga ni Gab ang tatanungin, kung mas gusto naming mag-stick sa isa't isa or gusto namin yung pagiging indibidwal namin, wala, e, either or, e."


Iginiit ni Ruru Madrid na parte talaga ng istorya ng Kapuso prime-time series na Sherlock Jr. ang pagkamatay ng karakter na ginagampanan ni Gabbi Garcia.

Ikinagulat at ikinalungkot ng mga tagasubaybay ng Sherlock Jr. ang pagkamatay ni Gabbi, bilang si Lily Pelaez, noong March 27, 2018 episode ng programa.

Ito ay sa kabila na si Gabby ang leading lady ni Ruru bilang Jack.

Dahil din dito kaya nagkaroon ng usap-usapang lilipat na raw ng network ang young actress.


Stories We Are Tracking

Is Gabbi Garcia transferring to ABS-CBN?
Is Gabbi Garcia transferring to ABS-CBN?
Kapuso star Gabbi Garcia denies rumored network transfer
Kapuso star Gabbi Garcia denies rumored network transfer

Sabi ni Ruru tungkol dito, “Well, tingin ko po, well, sa story rin, e.

“Naging ganun na rin talaga, na parang… sa story talaga.”

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang mawawala na si Gabbi sa kanilang programa?

Ayon sa 20-year-old actor, “Siyempre po, nakakalungkot din.

“I mean, hindi lang naman po ako ang nalungkot, buong production din and yung mga cast din.

“Kasi siyempre, si Gab, naging kaibigan naman talaga lahat.

“Kaya siyempre, nakakalungkot na mawalan din ng isang katrabaho sa set na talagang…

“Si Gab kasi, makulit, e, tsaka maingay, madaldal, so alam na alam mo pag nandiyan siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa taping ng Sherlock Jr. sa Fairview, Quezon City, noong Miyerkules, April 11.

RURU, THE ACTION STAR. May nagsasabing ibi-buildup si Ruru bilang solo action star kaya inihiwalay na siya sa love team nila ni Gabbi.

“Actually, wala po talaga akong idea!” natatawang reaksiyon ni Ruru.

“Well, sa amin po, e, kung kami po talaga ni Gab ang tatanungin, kung mas gusto naming mag-stick sa isa’t isa or gusto namin yung pagiging indibidwal namin, wala, e, either or, e.

“Kasi, kumbaga kami po ni Gab, naranasan namin nang dalawa kami.

“At the same time, naranasan na rin po namin nang solo kami.

“So, parang kahit naman saan po mapunta yung bagay na iyon, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kami naman po kasi, tulungan kami, even if hindi kami magka-work.

“Talagang grabe rin yung suporta namin sa isa’t isa.”

Handa na raw si Ruru na maging action star.

Saad niya, “Ever since naman po kasi, iyon yung pangarap ko, e.

“Kaya siyempre, sabi ko nga po, ngayong nabibigyan na ako ng mga ganitong klaseng proyekto, talagang pagbubutihan ko po, hangga’t kaya ko, ibinubuhos ko po talaga lahat ng best ko para sa mga bagay na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN