Ryza Cenon on leaving GMA-7: "Nagpaalam muna ako nang maayos sa mga boss."

IMAGE Instagram (@ericjohnsalut)

Ryza Cenon speaks up about her decision to transfer to ABS-CBN after 14 years of being with GMA-7.


Maayos daw ang pagpapaalam ni Ryza Cenon sa pamunuan ng GMA Network, na naging tahanan niya sa loob ng halos 14 taon, bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Pumirma ng kontrata sa Kapamilya network ang dating Kapuso star nitong Huwebes, April 12.

“Actually, pinaka nag-decide nito, yung Viva,” sabi ng 30-year-old actress, na ang tinutukoy ay ang Viva Artists Agency, na siyang nagma-manage ng career niya ngayon.

“For me kasi, sila yung manager ko, so kailangan nilang protektahan din ako.

"Saka may plano sila for me and nirerespeto ko yung desisyon nila for me.

“Before naman ako pumirma and all, nagpaalam muna ako nang maayos sa mga boss [ng GMA-7], kay Miss Lilybeth.”

Ang tinutukoy ni Ryza ay ang GMA-7 Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth Rasonable.


Stories We Are Tracking

Enzo Pineda reacts to Ryza Cenon's transfer to ABS-CBN
Enzo Pineda reacts to Ryza Cenon's transfer to ABS-CBN
Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA
Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA

Handang-handa na rin daw siyang makatrabaho ang Kapamilya stars ngayong nasa bakuran na siya ng ABS-CBN.

“Lahat naman yun, in-expect ko naman.

“Yung time na nag-decide kami, in-expect ko naman na lahat makakatrabaho ko.

“Dun ako nae-excite, kasi syempre marami rin akong matututunan sa kanila.”

Sinu-sinong ABS-CBN stars ang gustong makatrabaho ni Ryza?

“Madami... like Piolo Pascual, Anne Curtis, Sarah Geronimo,” sagot niya.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post naman ang aktres sa kanyang pagpirma sa ABS-CBN, kasama ang big bosses ng Kapamilya network at ang executives ng Viva Artists Agency. 

Caption ni Ryza sa kanyang post: "Maraming maraming salamat sa opportunity na binigay nyo po sakin na maging parte po ako ng malaki nyong pamilya. I am really grateful. Salamat po sa mainit na pagtanggap at tiwala. Isa na kong ganap na Kapamilya." 

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Inanunsiyo rin kahapon na makakasama si Ryza sa upcoming prime-time series na The General’s Daughter.

Kabilang sa malaking cast nito sina Angel Locsin, Janice de Belen, Eula Valdes, at Maricel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN