Viral billboard suitor Xian Gaza has not posted bail yet

IMAGE Manila Bulletin Twitter

According to PEP.ph sources, viral billboard suitor Xian Gaza's family is now processing the papers for his release. Xian was arrested because of alleged investment scam.


Nilalakad na ng ama ng viral billboard suitor na si Xian Gaza na makalikom ng sapat na halaga para mapalaya ang anak sa piitan.

Sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), dumalaw ang ama ni Xian sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa Malabon City, nitong Biyernes ng umaga, April 9.

Ito ay upang ayusin ang mga papeles para sa piyansa ng anak.

Nangangailangan si Xian ng P160,000 upang makalaya sa kulungan.

Ito ay kaugnay ng reklamong investment scam laban sa kanya ng dalawang dating business partners na tinakbuhan diumano niya.

Halos tatlong milyong piso raw ang kailangan bayaran ni Xian kina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

Sumuko si Xian sa Malabon City police kahapon, April 12, dahil pagod na raw siyang magtago at gusto na raw niyang magbagong buhay.

Ayon kay Xian, walang-wala siyang pera ngayon kaya hindi pa niya mabayaran ang kanyang utang.

Umapela rin siya ng suporta sa kanyang supporters at kaibigan na tulungan siyang makalikom ng pampiyansa.

Kung makakalikom man sila ng sapat na halaga, maaring sa susunod na linggo pa makakalabas ng kulungan si Xian dahil walang pasok ang mga Korte tuwing Sabado at Linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN