Luis Manzano thankful to have JM de Guzman's vote as Jessy Mendiola's BF

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano hands off to JM de Guzman and Jessy Mendiola working together, saying, "I'll leave it to them, if ABS decides na magka-project sila, ask them individually."


Nagpasalamat si Luis Manzano sa mabubuting salita ni JM de Guzman tungkol sa kanya.

Nabanggit kasi ni JM sa isang interview na boto siya kay Luis para kay Jessy Mendiola.

Dating karelasyon ni JM si Jessy, at nasa mabuting kamay raw ito bilang girlfriend ni Luis.
    
Sabi ni Luis, “Nabasa ko nga yun, thank you very much for the kind words.

“Kilala ko naman si JM before, thank you for the kind words.”
 
Bilang nananatiling magkaibigan ang dalawa, bukas pareho sina JM at Jessy na magkasama uli sa isang proyekto ng ABS-CBN kung sakali.

Reaksiyon ni Luis, “I’ll leave it to them, ayokong panghimasukan ang mga ganyang bagay.

“Ang sa kanila, sa kanila. If ABS decides na magka-project sila, ask them individually.

“I don’t think I have a say or I should have a say sa trabaho nilang dalawa.”
 
NOT YET. Samantala, na-excite din ang fans nina Luis at Jessy kahit biro lang ang komento ng TV host na “what if tapos na?” hinggil sa proposal niya sa girflriend.

Ang pinag-ugatan nito ay ang Instagram post ni Luis kung saan buhat-buhat niya si Jessy sa swimming pool at masaya silang nakatingin sa isa’t isa.

Howhow ??????

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Paglilinaw ni Luis tungkol dito, “Hindi pa, kasi we have a lot of friends na hoping it happen soon.

“Wala lang, just having a bit of fun, yung nakabuhat yata, nung karga-karga ko si Jessy kundi ako nagkakamali.

“'Tapos yung friend of ours, sabi niya baka engaged na raw. Sabi ko naman, ‘Baka tapos na.’

“Wala pa naman, pinapakilig ko ang sarili ko.
   
“Oo naman, darating naman dun, pero mas tama na kami na muna ang makaalam, we want to keep it private muna kung sakali man na mangyari.

“If we think it’s the right time to announce an engagement, mangyayari din naman yun.”
 
May naiisip na ba siya kung kailan at kung saan niya balak gawin ang engagement proposal?
   
Tugon ni Luis, “Basta, palagi ko na lang itong sinasabi, kahit ako nagiging paulit-ulit na lang sa akin, nakakapagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta darating na lang yun, everything will be set when the time comes.”


Stories We Are Tracking

Luis teases netizen about proposing to Jessy
Luis teases netizen about proposing to Jessy


 
HECKLER. Ipinost ni Luis sa kanyang social media na may nanloko sa kanyang tarpaulin kung saan binungi at nilagyan ng pirma ang noo niya.

Hindi naman sineryoso ni Luis ang gumawa nito kung saan sineryoso naman pala ng iba ang naging post niya
  
“Oo, heto pa ang nakakatawa diyan, may mga nag-isip na seryoso ako.

“Pinipili pa ba natin na mabagal ito? Hindi pa ba ninyo ako kilala?

“I’m sure some are genuinely concerned, sabi ko nga, yung iba sinasabi patola daw ako.

“Biro lang sa akin yun, iniisip nila seryoso. Parang binungi yata ako, ’tapos may pirma sa noo.

“Kung ako nga, makasalubong ko ang tarp ko, baka mas grabe pa yung gawin ko sa sarili ko, e.

“Yung ibang tao, gustong seryosohin para magka-issue, may masabi lang,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN