Luis Manzano shrugs off bashers saying Jessy Mendiola's bikini photos were photoshopped

IMAGE @senorita_jessy on Instagram

Luis Manzano now follows Ang Probiinsyano because Jessy Mendiola is in it. "Nag-check ako online, sobrang ganda ng feedbacks sa kanya. Ang daming naka-miss sa kanya sa primetime… " he says.


Busy na pareho sa trabaho ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola ngayong balik telebisyon muli ang aktress para sa seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ayon kay Luis, hindi pa rin magiging isyu sa kanila ang kawalan ng oras sa isa’t isa.

“Work is work, yun ang advantage pag pareho kayong showbiz.

"Naiintindihan ninyo pag busy ang isa.

“’Di lahat ng tao naiintindihan ang oras natin.”

Masaya nga raw si Luis para sa girlfriend na halos dalawang taong hindi napanood sa prime time na ABS-CBN.

Aniya, “I’m happy kasi yung first labas niya, nag-check ako online, sobrang ganda ng feedbacks sa kanya.

“Ang daming naka-miss sa kanya sa primetime, ang daming natutuwa sa kanila ni Coco.

“I am very thankful on behalf kay Jessy sa napakainit na pagtanggap kay Jessy sa Probinsyano.

“Pinapanood? Oo, pag nagkakataon na alam kong wala akong gagawin, tumututok ako sa Probinsyano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong nakaraang Linggo.

SLIMMER JESSY. Marami ang nakapansin sa pagpayat ni Jessy. 

Pagtapos itanghal si Jessy bilang FHM's Sexiest Woman noong 2016, inamin ng dalaga na na-depress ito dahil sa pamba-bash sa bilugan nitong katawan.

Pero nang dahil sa diet at workouts, halos 20 pounds ang nabawas sa timbang ni Jessy.


Stories We Are Tracking

Jessy reveals getting depressed because of body-shaming
Jessy reveals getting depressed because of body-shaming

Bulalas ni Luis, “Oo, grabe, nagpakundisyon siya.

“It’s her all-new perspective sa fitness na nagagawa niya kahit na ano ang gusto niya.

“From training to diving, di lang para magmukhang sexy, kumbaga healthier lifestyle in general.”

Sa isang post nga ni Jessy ay binalikang tanaw nito kung paano siya nakaranas ng body shaming nung medyo may kalusugan pa ang katawan niya.

Ayon kay Luis, hanggang ngayon ay marami pa ring bashers si Jessy. Hindi raw naniniwala ang mga ito na malaki talaga ang nabawas sa timbang nito.
  
Sabi ni Luis, “Dati pa. E, ang daming sexy sa mundo na pag nam-bash, parang sila ang pinakamagandang kurbada sa mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even up to now, people think na pino-photoshop yung pictures niya.

“Uulitin ko lang, ang taong naghahanap ng mali, makakahanap at gagawa ng mali.”
 
Sa Thailand nag-Semana Santa ang magkasintahan. Malapit pala sa puso nila ang Phuket kaya madalas sila dito. 
   
“Na-enjoy namin dun e yung vibe, yung training. Nagte-training din kasi kami dun.

“Kumbaga, we fell in love with Phuket.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN