Judy Ann Santos reacts to nasty comment of IG follower

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos getting a signature bag as gift irks a follower. Accused of not caring for the poor, she answered back, "Hindi naman ako normally sasagot sa mga ganitong comments. Pero hindi ko kasi ugaling i-promote kung sino, at ano at saan kami nagbibigay ng tulong."


Hindi pinalampas ni Judy Ann Santos ang isang Instagram follower niya na kinuwestiyon ang pagtulong ng actress-TV host sa mga nangangailangang kababayan.

Tila hindi nagustuhan ng follower ang pagpu-post ni Judy Ann ng kanyang signature clutch bag at sinabipan pang tumulong naman daw siya mga mahihirap.

Kahapon, April 12, nag-post si Judy Ann ng larawan ng isang camel clutch bag na may tatak na YSL.

Hawak-hawak pa ni Juday ang card na may nakasulat na: “Congratulations on your blockbuster movie, More Power and God Bless.”

Regalo ng isang retail signature store ang branded clutch bag ni Judy Ann.

Sabi ng Kapamilya star sa caption, “Thank you @authenticbagsforsale!!! Yehey! May clutch na ako!”

Thank you @authenticbags4sale !! Yehyey! May clutch na ko! ????????

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Binatikos ng isang IG account handler na @cosmojohnson ang post na ito ni Judy Ann.

Aniya, “How about helping all the poor people in your country?!!!”

Inalmahan ng aktres ang komento, pero sa paraang hindi niya tinarayan o inaway ang netizen.

Kaswal lang ang sagot ng misis ni Ryan Agoncillo.

Sabi ni Judy Ann, “@cosmojohnson, hi! Hindi naman ako normally sasagot sa mga ganitong comments. 

"Pero hindi ko kasi ugaling ipromote kung sino, at ano at saan kami nagbibigay ng tulong.

"Yun lang, god bless you.”

Ipinagtanggol din ang aktres ng ilan sa kanyang fans:

@kayevb, “@cosmojohnson, “How about you? Are you by any chance helping other people? Anjd I don’t think you even understand Mrs. Agoncillo’s post.  The clutch was a gift. God bless you.”

@leifrealynf, “hindi naman po politician si juday.  Why they need to post all those social services.”

@iamwenaanilom,”inggitera ka?”

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin si @cosmojohnson.

Aniya, “I apologize I’m glad and happy to know I’ve always like you god bless you too.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN