Kring Kring Gonzalez on daughter Sofia Romualdez's budding music career: "Do your best."

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Suportado ni kring Kring Gonzalez ang passion sa pagkanta ng panganay na anak na si Sofia Romualdez. Hinahayaan daw niyang mahasa ang talento nito pati na sa pagsusulat ng mga kanta.


Buhos ang suporta ni Tacloban City Mayor Cristina "Kring Kring" Gonzalez-Romualdez sa anak na si Sofia Romualdez sa singing career nito.

Si Sofia, 18, ay panganay na anak nina Kring Kring at Alfred Romualdez, na dating mayor ng Tacloban.

Noong Huwebes, April 12, inilunsad ni Sofia ang kanyang second single na “Thinkin of U” sa Manila Polo Club, Forbes Park, Makati City.


Sabi ni Kring Kring sa passion ng anak sa pagkanta, “Well of course, lahat naman gagawin ng isang nanay ‘no, kasi ang passion talaga niya is singing, music.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kailangang mag-aral ka,’ nag-promise naman siya na she would finish.

“Sobrang napaka-passionate ng bata kasi hindi lang siya kumakanta, she writes, she plays different musical instruments, talagang hindi mo siya mapigilan.

“I also feel what she feels. I also used to love music, pero parang she’s more passionate compared sa akin. She’s doing what she loves to do.”

Lumaki si Sofia na masasabing nasa kanya na ang lahat, hindi ba niya dini-discourage ang anak na huwag ng pumasok ng showbiz?

Tugon ng alkalde, “Actually, I reminded her na ganun ang showbiz, dapat matibay ang loob mo...'Tapos sabi niya, she will do her music, and later on she will put up her own business.

"So kung after two years ayaw na niya, okay lang naman sa amin. But for now, ginagawa niya kung ano yung passion niya.”


“DO YOUR BEST.” Ayon pa kay Kring Kring—na isang sikat na artista noon—pinayuhan niya ang anak na kahit passion nito ang pagkanta, dapat ay mag-aral pa rin ito upang mahasa ang kanyang talento.

Saad pa niya, “Sabi ko talaga sa kanya na kailangang magtapos ka sa pag-aaral, yun ang una.

“And then keep your feet on the ground. Sabi ko sa kanya, more training and mag-aral ng music also to enrich her knowledge.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang sabi ng ama sa gustong tahaking landas ng anak?

Ani Kring Kring, “Pareho naman kaming mahilig sa music, my dad, ako, parang the whole family.

“Okay naman sa kanya. Siyempre binabantayan din naman ang anak namin, we guide her.

“We made sure she will be guided, siyempre, alam naman ang showbiz baka mabigla ang bata.”

Mensahe pa niya sa anak, “Do your best, and love, and respect everybody.”

Samantala, proud na proud naman si Kring Kring at si Alfred sa anak na matagumpay ang press launch ng single nito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN