Bongbong Marcos social media strategist Franco Mabanta gets bashed for encouraging 'fat shaming'

IMAGE Courtesy: Franco Mabanta on Facebook / Twitter

Hindi nakaligtas sa netizens ang Facebook post ni Franco Mabanta kung saan proud nitong dineklara na pabor siya sa "fat-shaming." Trending sa Twitter ang kanyang pangalan dahil sa dami ng bumatikos sa social media strategist ng dating senador Bongbong Marcos.


Trending sa social media ngayon ang blogger na si Franco Mabanta, na siya ring social media strategist ng dating senador na si Bongbong Marcos.


Nag-ugat ito sa “pro fat-shaming” post niya sa Facebook noong April 8, 2018. Katabi niya sa larawan ng kanyang post ang kaibigang si Thistle Guevara, na naka-two piece bikini.

Ayon kay Franco, “100 percent” daw siyang pabor sa fat-shaming sa social media upang mas ma-challenge ang mga taong walang disiplina sa pagkain na itigil na ang “bad food habits.”

Sabi niya, “After long and thorough thought, I've decided that I'm 100% in favor of fat-shaming. I think the world would be a better place if all these weak minds that are captive to their bad food habits were constantly told to get off their fucking couches and stop little bitches."

Pagpapatuloy pa niya, marami na raw available sa internet na mga paraan kung paano mag-diet at mag-exercise upang maiwasan ang paglaki ng pangangatawan at pagbigat ng timbang.

Dagdag pa niya, “Nothing motivates people to get into shape like insecurity. Not vanity, not health, not personal records, not clinical narcissism—NOTHING.

“Also, painstakingly sick of 2018 political correctness and all this 'I'm offended' bullshit.

“And come on. The internet has provided us all with a seemingly endless array of tired-and-tested diets and literally thousands of different kinds of exercises.

“With all these data at your fingertips, choosing to not even try is tantamount to obscene levels of laziness and/or stupidity.

“You got one body. Take care of it.”


Umani ng negatibong reaksiyon ang post ni Franco. Ang weight problem kasi ay hindi lamang dahil sa "laziness" o kawalan ng disiplina sa pagkain. 

Narito ang ilang comments sa Twitter:

"IT'S OKAY." Binura na ni Franco ang kanyang post.

“It's okay,” naman ang kanyang sagot nang sinabihang trending ito ngayon sa Twitter.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN