Comedian Philip ''Kuhol'' Supnet arrested for child abuse

IMAGE Courtesy: QCPD

Former comedian Philip Supnet, more popularly known as "Kuhol," was charged with child abuse and detained in Fairview, Quezon City, after forcibly kissing his goddaughter inside his store last April 12. 


Inaresto ng pulisya ang dating comedian na si Kuhol, o Philip Supnet sa totoong buhay.

Ayon sa ipinadalang impormasyon ng Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nasampahan na nila ng reklamong child abuse na may kaugnayan sa R.A. 7610, or Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination, ang dating komedyante at kagawad ng Barangay North Fairview, Quezon City kahapon, April 13.


Nahuli ng pulisya si Kuhol, 58, noong Huwebes ng gabi, April 12, matapos diumano nitong sapilitang halikan sa labi ang menor de edad na biktimang babae na kanya ring inaanak.

Nangyari ang insidente sa loob ng tindahan ni Kuhol. Pinagbantaan diumano nito ang bata na, “Huwag kang maingay, balik ka bukas.”

Ngunit, nagsumbong diumano ang biktima sa kanyang ama na kaagad namang nagpunta sa barangay upang magreklamo.

Si Kuhol ay naging sikat noon bilang sidekick ni Mr. Shooli (Jun Urbano) sa mga palabas nito na Juan Tamad and Mr. Shooli: Mongolian Barbecue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN