Dennis Trillo quashes engagement rumors

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo (shown with girlfriend Jennylyn Mercado) clarifies rumors that they've gotten engaged while in the U.S.: "Lumang singsing na niya ho yun! Nagkataon lang na iyon yung naka-foreground dun sa litrato. Pero wala pa naman pong naganap na ganun."


Nilinaw ni Dennis Trillo ang balitang engaged na sila ni Jennylyn Mercado, na kesyo nag-propose daw siya sa girlfriend niya diumano habang nasa Amerika sila.

Nag-post kasi si Dennis sa Instagram account niya ng litrato nila ni Jennylyn na magkahawak-kamay at kitang may suot na singsing si Jennynlyn at pareho silang nakasuot ng Rolex couple watch.

????

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Paglinaw niya, “Lumang singsing na niya ho yun!

“Nagkataon lang na iyon yung naka-foreground dun sa litrato.

“Pero wala pa naman pong naganap na ganun.”

CONCERT TOUR. “Okay naman po,” pahayag naman ni Dennis tungkol sa biyahe nila abroad para sa Sikat Ka Kapuso show ng GMA-7.

Magkakasama sina Dennis, Jennylyn Mercado, Alden Richards, Lovi Poe, Betong Sumaya at Dingdong Dantes na pumunta sa New York, New Jersey at Toronto kamakailan para pasayahin ang Filipino community sa mga nabanggit na lugar.

Dagdag na kuwento pa ni Dennis, “Ang sarap ng pakiramdam na marami kaming napasaya na mga Kapuso dun na mga nahu-homesick.

“Successful yung show kasi maraming nagpunta, nakakatuwa.”

Bonus pa nga na magkasama sila ng girlfriend niyang si Jennylyn sa naturang biyahe.

“Ayun, siyempre extra-special dahil kasama ko si Jen.

“Nagkaroon kami ng biglaang bakasyon,” masaya niyang pag-amin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis kahapon, April 13, Friday, sa taping ng The One That Got Away sa GSIS Village sa Project 8, Quezon City.

GOOD RATINGS. Speaking of The One That Got Away (TOTGA), mataas ang ratings ng naturang Kapuso series.

Lahad niya, “Masaya! Ang sarap ng pakiramdam na maraming nanonood, kasi hindi nababalewala yung pagod namin.

“Natutuwa kami na hanggang ngayon going strong pa rin yung The One That Got Away.

“Actually, dun sa Toronto 'tsaka sa New Jersey, Liam din yung tawag nila sa akin.”

Gumaganap si Dennis bilang si Liam Ilustre sa TOTGA.

“'Tapos, merong isa dun na ininterbyu si Betong, American siya 'tapos ang asawa niya Pinay, nanonood din siya ng The One That Got Away, so nakaka-relate siya kaya nakakatuwa,” pahabol niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

YOUTUBE SPACE VISIT. Isa sa mga pinuntahan nila sa New York ay ang YouTube Space.

Ito ay isa lamang sa maraming production offices ng video-sharing website na YouTube, na matatagpuan din sa iba't ibang bahagi ng mundo gaya ng London, Los Angeles at Tokyo.

Pagmamalaki niya, “Kami pa lang yung kauna-unahan na nakapag-gawa ng content dun, nakagamit ng facilities ng YouTube Space.

“Halimbawa, yung GMA, parang four million na ang subscribers niya, so kung ganun karami, parang libre ka gumamit nung mga equipment dun, ng studio.

“So gumawa lang kami ng mga promo dun, 'tsaka ng mga kung anu-anong… may mga kinanta kami na mga ibang klaseng kanta, pam-promo rin po nung show.

“'Tapos, ayun, masaya, masaya.”

NOT AFFECTED BY BASHERS. May ilang nam-bash na kesyo hindi raw masyadong tinao ang show nila sa New Jersey.

Paglinaw ni Dennis, “Marami rin po, pero mas marami lang talaga sa Toronto kasi malaki yung venue sa Toronto.

“Sa New Jersey mas maliit yung venue niya.

“'Tsaka medyo hindi rin maganda yung panahon nun, pero despite the weather, marami pa rin talaga ang nagpunta.

“Kaya understandable naman kung hindi mapuno.

“Pero sa amin hindi naman mahalaga yun.

“Ang importante yung marami kang napasaya na mga kababayan natin na nalulungkot dun.

“Sa ganung paraan yung nagko-concert na ganun parang kahit papaano nararamdaman nila yung 'home' paminsan-minsan, pag napapanood nila yung mga Kapuso artists na nagbibigay ng aliw sa kanila, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN