Sofia Romualdez showed courage and resilience during typhoon Yolanda, recalls dad

IMAGE Noel Orsal

Sofia Romualdez, eldest daughter of Tacloban City Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez and Alfred Romualdez, had a harrowing ordeal during the height of typhoon Yolanda, recalls her dad: "We were very fortunate. Not many families in Tacloban are as fortunate as we were. But more so, we were concerned about her coping with that, the trauma that she had experienced. And that's why I really pushed music for her, in order to hopefully cope and make that experience a lesson—a lesson that will make he


Naglabas na ng kanyang ikalawang single si Sofia Romualdez, ang panganay na anak ng Tacloban Mayor na si Cristina Gonzalez- Romualdez at ng dating alkalde ng Tacloban na si Alfred Romualdez.

Nilunsad ang kanyang 2nd single na pinamagatang "Thinkin of U" sa Manila Polo Club, Forbes Park, Makati City noong April 12.

Si Sofia ang sumulat ng kanyang kanta, na siya namang iprinodyus ng VIVA Records.

Parehong buo ang suporta nina Cristina at Alfred sa kanilang 18 taong gulang na anak.


Kumpara sa ibang mga baguhan, tahasang sinabi ni Sofia na hindi pagiging “star” ang gusto niyang tahaking landas sa pagpasok niya sa recording industry.

Paglinaw niya, “I don’t wanna be a star. I just wanna make music.

“That’s what I wanna do. That’s what I’m passionate about.”

Bukod dito, gusto rin daw ni Sofia na makatulong sa paglaganap ng OPM (Original Pilipino Music).

“I wanna make good music for everyone. I love music,” diin pa niya.

SOFIA'S RESILIENCE DURING ADVERSITY. Tila mangiyak-ngiyak naman ang ama ni Sofia na si Alfred nang magsalita at magbigay ng pahayag tungkol sa anak.

Hangad daw niya na makilala rin sana ng iba ang tunay na pagkatao ni Sofia.

Inilahad niya kung paano nakipagsapalaran ang anak noong kasagsagan ng pagragasa ng bagyong Yolanda noong 2013 sa Tacloban at kung bakit nagsilbing therapy ang musika para sa anak.

Ayon kay Alfred, “When Yolanda hit us in Tacloban, Cristina, my wife, together with Sofia and Diana [Romualdez], were in the house.

“Suddenly, the water came in and it was about 17 feet high.

“Cristina and Diana, my youngest daughter, they were able to climbed up the ceiling.

“The water was so strong that Sofia got swept away, for about a hundred feet away.

“We were very lucky, she was very lucky that there was a post and she was able to grab it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hanging on to that post, she was fighting for her life for almost two hours,” saad niya.

MUSIC AS COPING MECHANISM. Marami ang nasawi dahil sa bagyong Yolanda, na masasabing isa sa pinakamalaking bagyong dumaan sa bansa. At isa nga raw sila sa mapalad na nakaligtas.

Pagbabalik-tanaw pa ni Alfred, “We were very fortunate. Not many families in Tacloban are as fortunate as we were.

“But more so, we were concerned about her coping with that, the trauma that she had experienced.

“And that’s why I really pushed music for her, in order to hopefully cope and make that experience a lesson—a lesson that will make her stronger in life later on.

“I just wanted to share that story with you so you will see the courage and the resilience of our daughter.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN