Neri Naig hits netizens who are "baon sa utang pero panay gala"

IMAGE Instagram

Neri Naig hits netizens asking her for money to spend on luxuries rather than basic needs.


Inihayag ni Neri Naig, 32, na may natatanggap siyang mensahe mula sa ilang netizens na humihingi ng tulong pampinansiyal dahil hirap sila sa buhay.


Ngunit dismayado raw si Neri dahil napansin niyang may ilan sa mga ito ang umaaming "baon sa utang," pero panay ang gastos sa kung anu-anong luho.

Pahayag ni Neri sa magkakasunod niyang Instagram stories kamakailan, “Ang dami kong nababasa na nanghihingi ng pera. Minsan pa nga plane tickets ang hinihingi. Nakakaloka.

“May mga ilan naman na alam mo sincere at talagang tutulungan mo.

“Pero baon na baon ka na nga sa utang pero panay gala mo at de eroplano pa.

“Ipon at trabaho din po bago gastos para may maipost sa social media.”

Pinili ni Neri na tumutok sa sariling negosyo mula noong maikasal siya sa Parokya Ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda noong 2014.

Giit ng aktres, kung anuman ang kinikita niyang pera ay mula sa sarili niyang sikap at  tiyaga.

Aniya, “Magtry kaya tayong lahat na magtrabaho. Imbes na babad na babad tayo sa social media at hindi nagiging productive ang araw natin.

“Maghanap ng mapagkakakitaang marangal. Kahit ano pa yan. Kahit magtindi ka pa.

“Ako nga nagtitinda ng tuyo, tinapay, at ukay. Kinahiya ko ba?”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN