Will Arci Muñoz propose to businessman-boyfriend Anthony Ng?

IMAGE Instagram

When Arci Muñoz was asked when she and current boyfriend Anthony Ng plan to get engaged, she jokingly teased, "Baka ako pa nga ang mag-propose! Sabi ko nga ang dream proposal ko, gusto ko sa Disneyland."

 


Kahit mag-iisang taon pa lang ang relasyon ni Arci Muñoz sa kanyang businessman-boyfriend na si Anthony Ng sa darating na July, consistent pa rin ang aktres sa pagsabi na nakita na niya sa current boyfriend ang lalaking gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay.

Ayon nga sa aktres, kay Anthony niya naramdaman kung paano maging babae sa isang relasyon, dahil sa tindi ng pag-alaga at pagmamahal nito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Arci sa nakaraang media conference ng seryeng Since I Found You nung nakaraang Miyerkules, April 11, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN, pabiro ang naging sagot sa amin ni Arci nang tanungin namin siya kung kailang ang engagement nila.

Pabirong hirit niya, “Baka ako pa nga ang mag-propose!

“Sabi ko nga ang dream proposal ko, gusto ko sa Disneyland, pag nakumpleto ko na yung Disneyland. Orlando na lang and Shanghai, dun ang gusto ko.

“Siyempre ako ang may alam nun, ako ang pupunta dun. Kakausapin ko ang Disneyland.

“Siyempre ako ang gagawa, e baka kasi hindi niya gawin, e.

“Disneyworld, oo, ganun kababaw! Alam mo na! Hahaha!

“Sinasabi ko open ako, sabi ko sa kanya, 'Bakit si [socialite] Tessa Prieto, siya yung nag-propose sa husband niya?'

“Underwater pa, siya ang nagbigay ng singsing.

“Kaya sabi ko nga sige na para lang magawa ko yung dream proposal ko, magbu-book na ako ng mga ganun.

“Siguro in two years. Thirty-one na ako nun pero di ko rin naman pine-pressure ang sarili ko.”

SUPPORTIVE BF. Nang kumustahin namin ang relasyon nila ng boyfriend, very proud si Arci sa pagkukuwento kung gaano ka-supportive at kung paano siya inaalagaan ng kasintahan.

“Happy and super supportive naman yun, wala siyang keber.

“Super cool, very supportive. Nagba-block screening yun pag may movie ako.

“Lagi yung may pa-suprise kaya very happy talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi lagi akong ganun sa past relationships ko. Ako yung ganun.

“Ngayon ko lang talaga na-feel na girl ako, ngayon ko na-feel na inaalagaan ako,” pag-amin niya.

LIGHT, FEEL-GOOD SOAP. Mapapanood na ang Since I Found You sa April 16, at excited at masayang-masaya si Arci na isang magaan at feel-good soap ang handog nila ngayon sa mga manonood.

Bukod kay Arci, kabilang din sa cast sina Piolo Pascual, Empoy Marquez, JC de Vera at Alessandra de Rossi.

Pagmamalaki niya, “There are no words to describe how excited we are.

“Finally, ipapalabas na yung soap.

“It’s so exciting for people to see something different this time on prime time.

“Alam naman nating lahat na ang pinanggalingan nito ay medyo mabibigat.

“At least something light na in-offer ng Dreamscape for everyone—para sa bata, sa matatanda, for everybody.”

“Sobrang sarap talaga, grabe kasi galing kami sa lagi na lang drama, di ba?

“Sobrang bigat talaga na minsan nauuwi ko siya.

“Ako minsan lang itong huling soap ko, sobrang bigat.

“Ito, alam ninyo yung mga pelikula ko na magagaan na pag binabasa mo yung script, sobra akong excited.

“Nilu-look forward ko everyday na magte-taping kami kasi alam ko na magaan lang siya,na di masyadong mabigat.”

Gumaganap si Arci bilang si Dani sa istorya, at marami raw siyang nakikitang pagkakahawig sa kanyang karakter.

Pagkumpara niya, “Parang ako lang—masayahin.

“Parang bata kasi ang character ko dito, 20, 21, kasi fresh graduate.

“Alam mo nga, ang peg ko nga dito is Goblin.

“Pag pinapanood ko yun, kinikilig ako.

“Sabi ko nga, “P [Piolo], alam mo ba ang peg ko dito is Goblin kasi matanda yung partner niya doon, bata din yung babae.”

IN PRAISE OF DIREK ANTOINETTE. Aprubado din kay Arci ang istilo ni Direk Antoinette Jadaone sa pagdidirek, kunsaan binibigyan nito ng pagkakataon ang mga artista na tulad niya na magbigay ng input sa karakter na kanilang ginagampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Ang saya, sobrang cool, talagang hinahayaan niya kaming mag-explore deeper into our characters everytime.

“Siyempre di nawawala ang director. She’s there to inspire us, pero bilang isang artista kasi, masaya yung hinahayaan ka sa character mo, e.

“Mayroon ka talagang input kasi ako naniniwala ako na kahit kaunti yung character mo, nabibigay mo yung sarili mo sa character mo.

“Nakakatuwa kasi si Direk Tonet, hinahayaan niya lang kami so ang saya.”

NO CONTACT WITH ELLEN. Nang hingan naman namin ng reaksyon sa nababalitang malapit na raw manganak ang kaibigan na si Ellen Adarna courtesy of John Lloyd Cruz, umiwas namang magbigay ng komento dito si Arci.

“Super duper happy ako for her.

“Communication? Matagal na [wala], ayoko siyang guluhin, haping-happy siya.

“May mga friends kami na nakakausap ko pero ayoko, ayokong maki-ano sa kanila,” pagwawakas ni Arci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN