Karla Estrada ecstatic about son Daniel's unexpected reunion with estranged grandfather

IMAGE Instagram (@karlaestrada1121)

Karla Estrada on son Daniel's unexpected reunion with his grandfather Raymond Ford, Karla's dad: "Ang layo nun sa imagination ko na mangyayari lahat ng ito, di ba, dahil alam naman ng lahat na lumaki ako na di ko nakilala ang tatay ko. Kahit si Daniel, amazed din siya sa nangyari."

 


Noong April 1 ay nag-post si Karla Estrada sa kanyang Instagram ng litrato kunsaan kasama ng anak niyang si Daniel Padilla ang American grandfather nitong si Raymond Ford at tiyuhing si Ian Ford.

Si Raymond ang ama ni Karla, samantalang si Ian ay kanyang kapatid.

Nagkita-kita pala ang mag-anak noong nag-show sina Kathryn at Daniel sa New Jersey kamakailan.

Base sa caption ni Karla, ramdam ang kaligayahan niya nang makita muli ni Daniel ang kanyang lolo na hindi niya nakita sa matagal na panahon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Karla sa set visit ng Funny Ka, Pare Ko sa studio 4 ng ABS-CBN noong nakaraamg Apri 11, emosyunal na nagkuwento ang aktres na dito niya napatunayan na lahat ay nangyayari sa tamang panahon.

Pag-amin niya, “Ang layo nun sa imagination ko na mangyayari lahat ng ito, di ba, dahil alam naman ng lahat na lumaki ako na di ko nakilala ang tatay ko.

“Nakilala ko lang nung 18 years old ako, and then tatatlong beses ko pa lang nakikita sa buong buhay ko, kasi mga taga-America nga sila.

“Yung umabot na sa point na yung anak ko na-bless, 'tapos nagku-concert sa Amerika, 'tapos nandun ang tatay ko nanonood. I mean, di ba?

“Amazed din siya sa buhay na nangyayari ang mga ganito.

“Minsan di mo na naiisip na mangyayari.

“Alam mo kasi, hinulma ng Diyos 'yan e, kaya wala ka nang gagawin kung di hintayin ang nakatakda para sa iyo, ang tinakda sa iyo ng Panginoon.

“Hihintayin mo na lang at mamamangha ka na lang na parang, 'Nangyari ito?'

“Kahit si Daniel, amazed din siya sa nangyari.”

FIRST MEETING IN THE STATES. Kinuwento din ni Karla na nagbiyahe ang pamilya niya sa ama ng ilang oras para lamang mapanood at makasama ng mga ito si Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, pinuntahan sila [Daniel] ng family ko dun sa father's side ko, kasi mga taga-Philadelphia ang mga yun.

“Nanood sila sa New Jersey, which is... I’m not sure if 3-4 hours drive, parang ganun.

“So pinuntahan nila, nanood, ang saya.

“Hindi naman first time pero yung first time, matagal na rin yung time na yun.

“First time sa States na nagkita sila dun mismo sa Amerika.”

Kasama din ni Daniel ang kapatid niyang si JC, na regalo pala ng aktor sa kapatid dahil grumadweyt ito sa kolehiyo.

Ani Karla, “Oo, first time na nakapunta ng Amerika yung sumunod niyang kapatid na si Carlito, si JC.

“'Yan yung gift niya sa graduation ni JC dahil yun ang pinakauna niyang kapatid na grumadweyt ng kolehiyo.”

UPCOMING MOVIE. Kinumpirma rin ng aktres at Magandang Buhay host na isang pelikula pala tungkol sa buhay ng isang ina ang nakalinya niyang gawin.

Kuwento niya, “Directed by Direk Jerry Sineneng.

“Isang pampamilyang pelikula, tungkol ito sa isang nanay na bubuhayin ang mga anak mag-isa.

“Parang ako lang, pero siyempre since pelikula ito, mas exaggerated, mas maraming katatawanan, lahat ng trabaho pinasok.”

TRAINING GROUND FOR COMEDIANS. Sa pagpasok ng Season 5 ng Funny Ka, Pare Ko, masaya si Karla na umabot nang ganitong katagal ang pinagbibidahang sitcom kasama sila Bayani Agbayani, Jason Gainza at iba pang mga komedyante.

Sang-ayon din ang aktres na magandang training ground ang kanilang show para sa mga baguhang komedyante.

Pagmamalaki niya, “Oo nga.

“Nakakatuwa, kasi di naman namin inaasahan ito.

“Since number three na kami sa CineMo! [ABS-CBN digital entertainment channel], nakaka-excite na gumawa nang gumawa.

“Ito ang katunayan na marami kayong napapasaya. kasi kami tawa lang kami dito sa shoot, and then pag napanood mo, ito yung pinakamasarap na feeling na tumatawa ka lang.

“Hindi ko masabi na may secret, 'no, pero I think yung formula na magkakasama yung mga nakakatawang mga tao, nandito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandito sila Bayani...

“Saka sa ikot din ng istorya, nasa script din yun, so nagkataon na maganda at masaya.

“Training ground nila ito, dito sila mag-uumpisa.

“Lahat ng dumaan sa amin since season 1, may trabaho sila right after pag natatapos kami ng season namin.

“Ito talaga yung nag-o-open ng doors sa kanila.”

PRAYERS FOR VICE'S HEALTH PROBLEM. Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Karla sa showbiz ay si Vice Ganda, na kailan lang ay umaming may pinagdaraanang kidney stone problem.

Ayon kay Karla, ipinagdarasal niya ang mabilisang paggaling ng kanyang kaibigan.

“Si Vice naman, more than 20 years na kaming magkaibigan, so kami yung tipong kahit di magkita nang matagal, yung pagmamahal namin sa isa’t isa, laging nandun.

“May intindihan kasi kami talaga ni Vice, ang panalangin ko na lang palagi, gumaling na siya.

“Kahit na sabihin pa nating minor [illness] or whatever, ang hangad lang natin, maging maayos lalo na yung kalusugan kasi walang kapantay na pera ‘yan.

“That’s always number one—maging malusog lagi, maging safe ang kalusugan ng bawat isa, ng mga kaibigan o pamilya mo,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN