Ryza Cenon shrugs off negative comments about transfer to ABS-CBN

IMAGE Ryza Cenon Instagram

Ryza Cenon on her network transfer: "Nag-stay ako ng fourteen years sa GMA and, I think, napakita ko naman ang loyalty ko and natanaw ko rin ang utang na loob ko. Nagpaalam ako nang maayos. Hindi ako umalis nang basta-basta."


Inaasahan na ni Ryza Cenon ang mga negatibong komento pagkatapos niyang lisanin ang GMA-7 upang lumipat sa ABS-CBN.

May ilang nag-aakusa sa kanya ng pagiging “ingrata” at “walang utang na loob.”

Pahayag ni Ryza tungkol dito, “For me naman, normal lang naman ang mga reactions nila.  

“Pero kasi minsan, for me, ha, hindi kailangang mag-react dahil hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari talaga.

“And I think, yung Viva ang makakasagot niyan, hindi ako.  

“Yung Viva na ang dapat mag-explain.”

Ang Viva Artists Agency ang namamahala ng career ng dating Kapuso star.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa isang restaurant sa Ortigas City noong Sabado, April 14.

LOYALTY. Si Ryza ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 2, kung saan siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor.

Ang huli niyang proyekto bilang isang Kapuso ay ang hit afternoon drama series na Ika-6 Na Utos, kung saan nakilala nang husto ang karakter niyang si Georgia.

Tila nakasanayan na kapag lumipat ng network ang isang artista, napaparatangang ingrata o walang utang na loob.

Hindi raw apektado si Ryza sa mga paratang laban sa kanya.

Saad niya, “Nag-stay ako ng fourteen years sa GMA and, I think, napakita ko naman ang loyalty ko and natanaw ko rin ang utang na loob ko.  

“Nagpaalam ako nang maayos. Hindi ako umalis nang basta-basta.

“I think, ginawa ko yung tamang proseso.”

Kumusta ang naging pagpapaalam niya sa Kapuso network?

“Okey naman, tinanggap naman nila, and naintindihan naman nila kung ano yung napag-usapan ng Viva,” tugon ni Ryza.

NEW KAPAMILYA. Noong Huwebes, April 12, ay pumirma ng two-year exclusive contract si Ryza sa Kapamilya network.

Aminado ang 30-year-old actress na kinabahan siya bago siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Lahad niya, "Siyempre, bago pumirma, kinakabahan ako. Sobrang kabado ko.

“First time kong makikita sila. First time kong papasok sa ABS na building, sobrang first time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ang experience, nakaka-amaze!

“'Tapos, habang pumipirma ko, sobrang lamig ng kamay ko, kabado ako.  

“Sabi nga sa akin ni Ma’am Cory [Vidanes], ‘Relax ka lang, hindi kami nangangain, huwag kang matakot.’”

Tila isang “pasabog” nga ang nangyari sa kanya nung araw na yun. 

Ginulat ni Ryza ang lahat nang pumirma siya sa ABS-CBN, at mas lalong nagulat ang lahat nang ianunsiyong kasama siya sa cast ng upcoming prime-time series na The General's Daughter, kung saan kabilang din sa cast sina Angel Locsin, Janice de Belen, Eula Valdes, at Maricel Soriano.

Ayon kay Ryza, “Nakakagulat, kasi after that, yun na ang script reading namin ng bagong show, kay Ate Angel.

“Nakaka-excite, kasi yung cast, sobrang laki. Kailangan talagang galingan.”

Pero bago siya mapanood sa The General’s Daughter, mauuna munang mapanood si Ryza sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nilinaw naman ni Ryza na hindi naging madali ang desisyon niyang lumipat ng network.

Saad niya, “Yung paglipat kasi siyempre, hindi naman puwedeng ako lang.

“Kaya ako nag-hire ng manager para siyang humawak sa career ko.  

“And ibinigay ko naman sa kanila yun at nag-decide sila na ilipat ako sa ABS-CBN.”

At 30, tinitingnan ni Ryza ang mga nangyayari ngayon bilang bagong kabanata ng buhay niya.

“Oo, new chapter talaga ng buhay ko ‘to, sa lahat.

“Kinakabahan ako, siyempre nae-excite ako sa mga makakatrabaho ko.  

“Pero siyempre, hindi pa rin mawawala yung kaba.  

“Sabi naman nila, okey lang daw yun.  

"Okey lang daw yung may kaba kesa wala."


Stories We Are Tracking

Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA
Ryza Cenon transfers to ABS-CBN after 14 years with GMA
Ryza Cenon, Angel Locsin, Maricel Soriano in one teleserye
Ryza Cenon, Angel Locsin, Maricel Soriano in one teleserye
Ryza Cenon opens up about leaving GMA Network
Ryza Cenon opens up about leaving GMA Network


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN