Viral billboard suitor Xian Gaza released from prison; calls self "national scammer"

IMAGE Courtesy: Xian Gaza on Facebook / Manila Bulletin News on Twitter

Pansamantalang nakalaya ang negosyanteng si Xian Gaza sa kulungan matapos itong makapaglagak ng halagang P126,000 bilang piyansa sa dalawang kasong kinakaharap niya.


“Nyeam Free!”

Ito ang panimulang salita ni Xian Gaza sa kanyang Facebook Live video noong Sabado, April 14.

Dalawang araw matapos siyang sumuko sa Malabon City police station, nakapag-post ng bail bond ang viral billboard suitor turned scammer ng halagang P126,000.

Taliwas ito sa unang sinabi niyang aabot sa P160,000 ang kakailanganin upang makalaya siya sa kulungan.

Tinawag din niyang “NATIONAL SCAMM3R” at “YOUNG FRAUDIGY” ang sarili base sa caption sa post niya tungkol sa kanyang Certificate of Discharge.

Sabi ni Xian, "I would like to express my deepest gratitude to the Filipino public for all the hate, love and support that I received for the last few days—most especially to those God-sent angels who helped me get back to the free society.

"I’m now ready for a new life, lead me Lord.

"NATIONAL SCAMM3R 'YOUNG FRAUDIGY' XIAN GAZA now signing off."

Kasunod nito, nais namang ibenta ni Xian ang kanyang “surrender shirt” sa halagang P9,000.

Sabi niya sa kanyang Facebook post, may kasama pa itong coffee date sa isang sikat na hotel sa Pasay.

Kuwento pa ni Xian tungkol sa kanyang t-shirt na ibinebenta, "The actual tee shirt worn by Xian S. Gaza when he surrendered at Malabon Police Headquarters last April 12.

"9,000 PESOS with 1on1 coffee d@te and ch1ll at C Lounge Conrad Manila Seaside Blvd. Pasay City."

Hindi matiyak kung seryoso si Xian o nagbibiro lamang.

Nakilala si Xian dahil sa coffee-date invitation niya sa aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard.


Stories We Are Tracking

Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard

Nahaharap sa dalawang kaso si Xian kaugnay sa paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 o Anti-Bouncing Checks Law.

Tinakbuhan diumano ni Xian ang dati niyang business partners na sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz.

May halos  P3 milyong utang daw si Xian sa kanila. 


Stories We Are Tracking

Viral billboard suitor Xian Gaza has not posted bail yet
Viral billboard suitor Xian Gaza has not posted bail yet
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Xian Gaza surrenders to Malabon police; claims bankruptcy
Two arrest warrants issued against Xian Gaza
Two arrest warrants issued against Xian Gaza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN