K Brosas hits back at basher insulting her as ninang of Pokwang's daughter

IMAGE Instagram photo of K Brosas

K Brosas (extreme left) to a netizen who insulted her and her comedian friends: "Ok Lang Kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka!"


Hindi napigilan ni K Brosas patulan ang isang netizen na kumutya sa kanya at sa mga kaibigang komedyanteng sina Pooh at Chokoleit dahil sa kanilang hitsura.

Nag-post si K ng larawan nilang tatlo kasama ang kanilang inaanak na si Malia, anak ng kapwa nila komedyante na si Pokwang at ni Lee O'Brian.

Si Malia ay bininyagan sa Antipolo Church, kahapon, April 15.

Sa kabila ng mga positibong komento ng mga netizen sa kanyang post, isang negatibong komento ang nakapukaw ng pansin ni K.

Sabi ng Instagram user na si @iambabelyne, “Kawawa naman si baby, ang ganda ganda eh, mga ninong sila hahaha.”

Wala na ang comment na ito sa post ni K.

Ngunit sa kanyang sumunod na post, ipinakita ng comedienne-singer ang screenshot ng comment at ang sagot niya rito: “Paki explain Po Kung bakit Kawawa?? Wait ko sagot mo.”

Sa caption nito ay isang mahabang mensahe ang inilagay ni K para sa basher.

Aniya, “Never ko pang ginawa to.. ang mag post ng ganito.. Di naman ako palaging patola... sensya na Ha pero dahil Dinamay mo inaanak ko at mga kaibigan/kumare ko @pooh_tik@hot_chokoleit... deserve mo post ko na to.. at dahil Di mo pa rin sinasagot tanong ko 'na bakit kawawa??'”

“OO napaka gandang bata talaga si malia at isama mo na yung ina @itspokwang27.

“So anong kawawa sa bata kung kami ang ninong/ninang??

“Napaka sama naman ng ugali mo Kung ibabase mo SA itsura namin kung karapat dapat kami.. lalo na hindi ka naman KAGANDAHAN (profile pic mo teh)

“Buti sana kung nilagyan mo ng 'joke lang po' o 'chos' .. at kung magpapatawa ka dapat mas nakakatawa ka sa 4 na komedyanteng pinansin mo.. haaay!”

Patuloy pa ni K, “Nakaka sad na may katulad Mong tao.. ok Lang Kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa mga followers ko sensya na ha.. Di ko napigilan.. ipagdarasal kita tehh @iambabelyne... pero sa ngayon bigyan kita ng exposure! Palakpakan!!”

Never ko pang ginawa to.. ang mag post ng ganito.. Di naman ako palaging patola... sensya na Ha pero dahil Dinamay mo inaanak ko at mga kaibigan/kumare ko @pooh_tik @hot_chokoleit .. deserve mo post ko na to.. at dahil Di mo pa rin sinasagot tanong ko “na bakit kawawa??” .. OO napaka gandang bata talaga si malia at isama mo na yung ina @itspokwang27 .. so anong kawawa sa bata kung kami ang ninong/ninang?? Napaka sama naman ng ugali mo Kung ibabase mo SA itsura namin kung karapat dapat kami.. lalo na hindi ka naman KAGANDAHAN (profile pic mo teh) Buti sana kung nilagyan mo ng “joke lang po” o “chos” .. at kung magpapatawa ka dapat mas nakakatawa ka sa 4 na komedyanteng pinansin mo.. haaay! Nakaka sad na may katulad Mong tao.. ok Lang Kung sinabi mo na hindi ako maganda etc kc opinion mo yon, pero para husgahan mo kami bilang mga ninang eh kapatol patol ka! Sa mga followers ko sensya na ha.. Di ko napigilan.. ipagdarasal kita tehh @iambabelyne .. pero sa ngayon bigyan kita ng exposure! Palakpakan!! ????????????????????????

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Maraming fans at followers ang sumuporta sa sinabi ni K, kabilang na ang kanyang kumareng si Pokwang.

Sabi ni Pokwang, “Napakaswerte namin ni Malia kasi may mga ninong at ninang na kagaya nyo na gagabay sa kaniyang paglaki.”



Stories We Are Tracking

Pokwang and Lee O'Brian's Baby Malia baptized
Pokwang and Lee O'Brian's Baby Malia baptized


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN