Billy Crawford, Coleen Garcia to tie the knot on April 20

IMAGE Instagram

Billy Crawford excited to walk down the isle with Coleen Garcia: "I'm ready for this new journey for me."


May petsa na ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Magaganap ang kasal nila nitong Biyernes, April 20.

Ito ang inanunsiyo ni Toni Gonzaga sa episode ng Pilipinas Got Talent (PGT) nitong Linggo, April 15.

Sina Billy at Toni ang hosts ng nasabing ABS-CBN talent-search program.

“Nais din naming i-congratulate at sasamahan na rin natin ng best wishes dahil sa darating na Biyernes na po ang inaabangang kasal ni Billy and Coleen,” pagbabalita ni Toni sa pagtatapos ng episode ng PGT kagabi.

Patuloy niya, “We celebrate your love and your union.

“Mula sa iyong pamilya dito sa Pilipinas Got Talent, we’re so happy for you in this this new journey you’re about to embark on.”

Nagpasalamat naman si Billy sa staff ng show, sa mga kaibigan, at sa kanyang pamilya.

Pahayag niya, “We really just wanna say thank you and thank you Lord.

“I’m ready for this new journey for me.”

Isang beach wedding ang mangyayari kina Billy at Coleen.

December 2016 nang mag-propose ang 34-year-old It’s Showtime host sa kanyang girlfriend pagkatapos ng dalawang taong relasyon.


Stories We Are Tracking

Coleen Garcia gives hint on wedding gown designer
Coleen Garcia gives hint on wedding gown designer
Coleen Garcia describes dream wedding with Billy Crawford
Coleen Garcia describes dream wedding with Billy Crawford


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN