Lovi Poe on remaining a loyal Kapuso: "Happy kasi ako sa pag-aalaga nila sa akin."

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe has remained a loyal Kapuso artist 12 years and running. She told PEP.ph, "My heart has always been here naman."


Twelve years nang Kapuso artist si Lovi Poe, at halos dalawang taon pa ang nalalabi sa current contract niya with GMA Network.

Masaya raw si Lovi sa takbo ng kanyang career kaya't nananatili siyang loyal sa Kapuso network.

“I’m very happy! I’m very happy,” sambit niya.

Kamakailan, si Ryza Cenon na dating Kapuso ay lumipat sa ABS-CBN.

Si Lovi raw ay hindi natukso na lumipat sa ibang TV network.

Paliwanag niya, “Happy kasi ako sa pag-aalaga nila sa akin,.

“My heart has always been here naman.”

SEPARATING LOVI AND ALEX. Nakakaaliw naman ang sagot ni Lovi sa tanong kung bakit sa mga beach scenes nila sa Zambales para sa prime time series na The One That Got Away ay conservative ang mga outfit niya, samantalang si Rhian Ramos ang nangabog sa two-piece swimsuits na isinuot nito.

To think na si Lovi ang mas may daring image kumpara kay Rhian.

Saad ni Lovi, “No, because siyempre I do it a lot as Lovi, so why do I have to do it as my character? 

“Hindi naman siya ganun.”

Sa The One That Got Away ay mas sexy and daring si Zoey Velasquez (Rhian’s character) kaysa kay Alex Makalintal (Lovi's character). 

“So, parang I wanna be seen different sometimes,” patuloy ni Lovi. 

“Parang I’m always… naked. Lovi Poe is always naked, 'tapos si Alex pa rin, naked?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa taping ng The One That Got Away sa GSIS Village sa Project 8, Quezon City, noong April 13, Biyernes.

IGNORING BASHERS. Natanong naman si Lovi tungkol sa pamba-bash sa kanya ng ilang mga diumano’y AlDub fans.

Ang AlDub fans ay ang supporters nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“Hindi ko naman masyadong naano,” sabi ni Lovi, na ang tinutukoy ay ang hindi niya pagbasa sa negative comments sa kanya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakasama sina Lovi, Alden, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Betong Sumaya, at Dingdong Dantes kamakailan na pumunta sa New York at New Jersey sa U.S.A., at Toronto sa Canada.

Dinalaw nila ang Filipino communities sa mga nabanggit na lugar at nagpasaya sa pamamagitan ng Sikat Ka Kapuso show.

Na-bash si Lovi dahil lagi silang magkatabi ni Alden sa mga litrato, at dinidikitan diumano palagi ng aktres ang Pambansang Bae.

Pero kung may bashers man, meron ding mga nagnanais na magkasama sa isang project sina Lovi at Alden.

Handa ba siya sa bashers kung sakaling makasama niya si Alden sa isang programa?

“Well, it’s part of the job,” sagot ni Lovi.

“I mean, hindi naman natin maiiwasan yun.

“May mga iba’t ibang tao, iba’t iba naman ang opinyon nila.

“And the only thing that you can handle is not what they say.

“You can’t do anything about that, but you can only handle.

"What you have control over is your reaction.”

Hindi na raw niya pinapansin ang mga nam-bash sa kanya tungkol sa umano’y closeness nila ni Alden habang nasa abroad sila.

“I’m not really affected because we’re good friends and it’s part of the job.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN