Almira Muhlach recalls marital woes with ex-husband Bong Alvarez caused by his drug use

IMAGE Istagram / Noel Orsal

Almira Muhlach on life after separating from ex-cager Paul 'Bong' Alvarez: "Peaceful. I may not have a sagana na buhay—like, I had a big house, I had a Range Rover, I had a Mercedes Benz, pero at the back of my mind, masaya ba ako?"


Suportado pa rin ng mga anak ni Almira Muhlach ang ama nilang si Paul "Bong" Alvarez matapos makulong ang dating basketball player dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Si Almira ay dating aktres at naging miyembro ng youth-oriented show na That's Entertainment.

Si Bong ang tinaguriang “Mr. Excitement” noong '90s habang naglalaro ito para sa Philippine Basketball Association (PBA).

Naglaro siya para sa mga koponan ng Alaska, Shell, at San Miguel.

Isi-serve sana kay Bong ang warrant of arrest para sa slight physical injury case laban sa kanya ng nagngangalang Jon Dogondon Mendoza nang matiyempuhan ng mga pulis ang illegal drug session ng basketbolista at dalawa pa nitong kasama.


Stories We Are Tracking

Ex-PBA player Paul Alvarez caught in a drug session
Ex-PBA player Paul Alvarez caught in a drug session

Pahayag ni Almira tungkol sa sinapit ni Paul, “Ewan ko nga, e, napapakamot na lang ako ng ulo.

“I mean, it pains to see them [her kids], kasi they were crying. 

“They were depressed and everything, lalo na itong eldest ko, kasi close siya sa daddy niya, e.

“Dinadalaw nila sa kulungan at that time.

“One month na nakulong ang dad nila. Ngayon, nakapag-bail naman siya.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Almira sa nakaraang launch ng single ni Sofia Gonzalez Romualdez, ang “Thinkin' of U.”

Ginanap ito sa Manila Polo Club, Forbes Park, Makati City, noong Thursday, April 12.

Kabilang si Almira at ang panganay niyang anak na si Alyssa sa naimbitahan sa launch para sumuporta kay Sofia.

SEPARATION FROM BONG. Sabi pa ni Almira, kahit putol na ang communication nila ni Bong, nag-uusap pa rin ang kanyang mga anak at ang kanilang ama.

Tatlong babae ang anak nina Bong at Almira: si Alyssa na dating sumabak sa pagkanta noong dalagita pa lang ay 22 years old na ngayon, si Aila naman ay 20 years old, at ang bunso na si Ina ay 19 years old.

Saad ni Almira, “Yes, sila. Ako, totally wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung seven years na kaming hiwalay, seven years na kaming walang communication.

“Hindi ko siya gustong maging friend, hindi ko rin siya gustong maging kaaway.

“Wala lang, nasa gitna.

“I had a bad experience. Kaya siguro,” pagbibigay rason niya sa dahilan ng pagputol sa kanilang komunikasyon.

Umiwas naman si Almira nang mausisa kung may sakitan na nangyari sa kanila noon.

“Oo, mga ganyan... huwag na nating pag-usapan,” nangingiting iwas ng half-sister ni Aga Muhlach.

Verbal abuse, physical, o emotional?

“Lahat! Isama mo nang lahat 'yan,” ani Almira, na kaya nang tawanan ang mapait na nakaraan ng kanyang buhay.

LAST TO KNOW. Wala raw kaalam-alam si Almira na gumagamit na pala si Bong ng illegal drugs noong nagsasama pa sila.

“Akala ko nga alcohol lang,” sambit niya.

“Ako nga yung the last to know na nagda-drugs na pala siya nung mga panahong yun.  

“Di ba, they say that the family will always [be] the last to know?

“Mga katindihan niya 'yan nung 2009, 2010, 2011."

Taong 2011 nang maghiwalay sina Almira at Bong.

Patuloy pa niya, “We were together for 18, 17 years... and he was my first boyfriend.

“Siyempre, we were both Christians and everything.

“I wanted to fight for our marriage kasi yun lang naman ang tama at dapat.

“Kaya lang may mga nangyayari na life threatening na, and of course, I have to think also of myself and my children.

“Hindi na healthy na nakikita ng mga anak ko.

“Pero talagang mahirap.”

DRUG USE. Itinanggi ni Almira na may kinalaman sa kanilang pagsasama ang dahilan ng pagda-drugs ni Bong.

Saad niya, “Hindi. Hindi, it has something to do with his career.

“Di ba, alam mo naman siguro yung mga celebrity or... when you’re a celebrity and then suddenly nag-iiba yung sikat mo at suweldo mo.

“It hits you, e. Nadi-depress siguro, yun.

“Basta, nung 2004, 2005, hindi na kami okey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakatiis pa ako ng ilang taon, [hanggang] 2011.

“Kasi nga yung mga anak ko, iniisip ko yung mga anak ko.

“Then, nung hindi na okey, na parang ang mga anak ko, nakikita nilang hindi na healthy yung surroundings nila.

“May [violence], hindi na. Okey na [makipaghiwalay].”

Ano ang naging reaksiyon ni Almira nang nabalitaan niyang naaresto si Bong? 

“Napailing ako,” sagot niya. 

“Napaganun ako.

“Naawa ako na... I was also upset.

“Hindi ko... again, I was thinking also of my children, kung ano yung maiisip at mararamdaman ng mga anak ko.

“Good thing na naka-recover naman sila.”

Patuloy niya, “Every time kinakausap ko sila, at ang importante yung foundation naman ng mga bata kahit ganun ang nangyari sa amin ni Bong.  

“Kasi they go to church. Yung mga Bible study group.

“Malakas ang support system ng mga anak ko.”

STILL IN CONTACT. Nananatili raw ang komunikasyon ng mga bata sa kanilang ama kahit na naghiwalay na sina Bong at Almira.

Ayon kay Almira, “Oo, sila.

“Minsan tatawag ang daddy nila, minsan bigla na lang mawawala.

“Minsan nandiyan na naman, parang kabute lang naman.”

Sa pagkakaalam ni Almira, hindi humingi ng financial support si Bong sa mga anak nya kahit wala itong pinagkakakitaan.

“Meron naman siyang girlfriend na tumutulong sa kanya. Matagal na rin sila ng girlfriend niya.”

Ginawa naman daw ni Almira ang lahat ng kanyang makakaya upang maisalba si Bong noon.

“Lahat, kaya alam niya [Bong] at alam ng tao na I have no regrets.

“Because lahat ng luha, lahat ng hirap, lahat yun ginawa ko to save.

"But then, you can only do so much. Talagang nasa tao.

“Even my kids, they know.

“Kaya sila na rin ang nagsabi na, 'Mom, if you want to leave, it’s okay with us.'

“Yun ang sinabi ng mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PROPERTY. Noong kinasal sina Bong at Almira ay sa isang malaking bahay sa isang subdivision sa Pasig sila nakatira. May sariling basketball court pa ang kanilang bahay.

“Waley [wala],” pagtukoy niya sa kinahinatnan ng property na iyon.  

“Wala, nalimas lahat. Memories lang ang naiwan, kaya start from scratch kami.

“Mas mahirap yung sa akin kasi may naiwan na tatlo na mga college."

Milagro raw na nakayanan ni Almira na itaguyod ang kanyang tatlong anak.

Sabi pa niya, “Hindi ko nga alam kung paano.  

“By the grace of God.

“Nung naghiwalay kami noon, nag-i-start na ulit ako sa showbiz.

“Siguro hindi lang yung parang big star na alam mong bumalik ako.

“But kahit paano, nag-e-ABS [CBN 2] na ako, nagti-taping na ako.

“At saka I also do make up. Professional make-up artist na ako noon.

“So, may mga raket ako sa mga commercials. 

"'Tapos may mga personal clients ako like si Mayor Cristina [Gonzalez-Romuladez], personal client ko siya.”

Wala na raw nakikitang saysay si Almira kung kausapin man niya si Bong ngayon ukol sa pagbabagong buhay nito.

“Hindi. Hindi na pumapasok sa isip ko yun.

“Kasi ilang beses ko na siyang kinausap nung nagsasama kami.

“Ano pang value ko sa kanya ngayon? I don’t have value sa buhay niya ngayon.”

LIFE AFTER BONG. Paano niya ikukumpara ang buhay niya ngayong hiwalay na sila ni Bong kumpara noong nagsasama pa sila?

Tugon ni Almira, “Peaceful. I may not have a sagana na buhay—like, I had a big house, I had a Range Rover, I had a Mercedes Benz, pero at the back of my mind, masaya ba ako?

“Hindi.

“Pero ngayon, hindi ako mayaman, striving ako, pero nabubuhay ko ang mga anak ko.

“Peaceful na wala akong inaalala na anytime na may puwedeng mangyari.”

Hindi ba pumasok sa isip niya na sabayan si Bong na mag-drugs para maintindihan niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Almira, “Ay, hindi ko nga alam na nagda-drugs.

“Later on ko lang nalaman.

“Kung nalaman ko rin lang naman din, hindi ko rin naman na para ano... kasi I’m really for my kids, e.

“Puwede mo ring tanungin si Mayor Cristina, matutuwa ka rin sa mga anak ko, kasi even after or inspite na naging ganun ang dad nila, naging mabuti silang bata.

“Walang naging rebellious.”

“Yung middle [child] ko naman ngayon, ga-graduate as pre-med, magdu-doctor siya.

“Mahaba-haba pa ang trabaho ko.

“[Yung isa] Ga-graduate next year sa college.

“Entrepreneual management naman. Yun ang parang jewel ko sa buhay, kayamanan.

“Imagine, napagtapos ko sila?

“Noong unang hiwalay ako, tinulungan ako ni Kuya Aga [Muhlach] at ng daddy ko [Cheng Muhlach], at saka ni Boss Vic.

“Pero ngayon, kaya na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN